• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-07 14:51:27    
Sanya, lunsod kung saan mahaba ang buhay ng mga naninirahan

CRI

Sanya ay kilalang "long life city" sa Tsina. May mahabang buhay ang mga tao dito, ang dahilan, marahil, ay magandang kapaligiran. Ngunit, ipinalalagay ng ilang taong nakatikim ng mga lokal na pagkain dito na ang pagkain ay isa sa mga dahilan ng pagiging mahabang buhay ng mga tao dito.

Pinakabantog ang apat na local dishes: manok ng Wenchang, pato ng Jiaji, tupa ng Dongshan at talangka ng Hele. Ang mga sangkap ng apat na lutong ito ay pinu-pino, hindi lamang di-mamantika, kundi masustensiya at masarap at nakabuti pa sa kalusugan.

May maraming pansol sa Sanya at palibot nito. Nakakapagtamasa naman ang mga turista ng traditional Chinese medicine massage, may espesyal na klinika sa maraming hotel sa Sanya, hindi mahal ang mga ito at saka maginhawa. Ito ay isang dahilan na kinagigiliwan ito ng mga turistang dayuhan.

Dumarami nang dumarami ang mga turista sa Sanya. Para rito, naghahanda na nang mabuti ang departementong panturista ng Sanya. Ayon sa salaysay ni Zhou Chunhua, pangalawang puno ng kawanihan ng turismo ng Sanya na:

"Lumalakas sa paglipas ng mga araw ang kakayahan ng Sanya sa pagtatanggap. May 169 na hotel sa star level. Ang 5 star hotel na gaya ng Sheraton, Hilton, Marriott, Shangri-la, Kempinski, Crown Plaza at iba pa ay may bahay-pahingahan sa Sanya."

Sinabi pa niyang ang Sanya ay isang magandang lunsod, ang dapat gawain naming ngayon ay pagsanibin ang kagandahang natural at ang kagandahang kultural para ibayo pang mapayaman ang nilalaman ng kagandahan ng Sanya.

Sasalubong sa pamamagitan ng mas mabuting serbisyo ang Sanya sa mga bisita sa apat na sulok ng buong daigdig na maglakbay sa Sanya.