• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-10 21:00:31    
Pangangalaga sa hutong sa Beijing

CRI
Mabilis na naglalaho ang mga hutong sa Beijing. Hindi pa natatagalan, ang tipikal na residensiyal na kalyehon na may mga courtyard sa magkabilang panig nito na kilala sa tawag na siheyan, ang siyang pinakapangkaraniwang tirahan ng karaniwang tao sa kapitolyo. Subalit, unti-unti nang ginigiba ang mga ito upang pagtirikan ng mga gusaling pantanggapan at modernong residensiyal compound. Dahil sa laki ng lunsod na ito, pinanatili pa rin ang ilan niyon, subalit liban sa mga proyektado ng pamahalaan na gaya ng relikyang pangkultura, karamihan nito ay nabibilang na ang mga araw. Para sa mga lokal na residente, ito ang pinakamabuti. Pagkakalooban sila ng magandang bagong apartmen na tiyak na higit na kombinyente kaysa sa karamihan sa mga lumang siheyan. Pero ito'y masamang balita para sa mga turista. Malapit na silang pagkaitan ng isa sa pinakanakaiinteres at kapanipaniwalang karanasan ng pang-araw araw na pamumuhay ng mga karaniwang mamamyan sa Beijing.

Ang katagang hutong, sa katayunan ay hinango mula sa wikang Mongoless, at nangangahulugang pinagmumulan ng tubig. Sa umpisa'y itinayo ito noong panahon ng Yuan Dynasty, nang maging kapitolyo ng bansa ang Beijing. Noong unang panahon, ginagamit iyon para pamahayanan lamang. Ang mayayamang pamilya ay maaaring umukop ng buong Siheyuan na karaniwang binubuo ng tatlong bahay, samantalang ang mahihirap na pamilya ay maaaring makisuno lamang sa ibang pamilya. Pero nang pasimulan ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas noong huling dako ng 1970's, karamihan sa mga lumang residensiyal ay ginawang mga tindahan at maliliit na negosiyo. Kaya ang mga natitirang hutong ngayon ay abalang abala sa iba't ibang aktibidades. Ang mga dadalaw na turistang interesado sa potograpiya ay kailangang maghanda ng sapat ng film.

Sa naturang mga hutong ay tiyak na makakasalubong ka ng mga vendor na mabibilhan ng mga murang masasarap na pagkain. Ang mga prutas na gaya ng melon ay siyang paborito tuwing tag-init, pero kapag taglamig na, mabilis na darami na ang iba pang klase ng paninda. Milyon milyong tinuhog na sugarcoated haws (tang hulu) ang naibebenta kung tag-lamig. Ang mga ito'y may espesiyal na kahulugan din. Ang kulay pula ay sumasagisag ng kaligayahan at ang mga haw na nagsisiksikan sa manipis na pantuhog ay kumakantawan sa maraming taong sama-samang nagsasaya. Sa ngayon, makakabili ka rin ng mga tang hulo ay nakatuhog ng mga saging, kiwi, strawberry, kahel o yam. Ang pagkakapareho ng mga ito ay ang makapal na coating ng asukal.