• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-15 15:07:22    
Seafood and bean curd soup

CRI

Mga sangkap

50 gramo ng tuyong hipon, ibinabad
50 gramo ng tuyong kabibi, ibinabad
10 gramo ng laver
50 gramo ng canned abalone
150 gramo ng bean curd
5 gramo ng asin
2 gramo ng vetsin
1 gramo ng durog na paminta
10 gramo ng sesame oil
20 gramo ng shaoxing wine

Paraan ng pagluluto

Punit-punitin ang laver at ilagay sa soup bowl. Hiwa-hiwain ang abalone. Hiwa-hiwain ang bean curd sa pirasong 2 sentimetro ang haba at lapad at 0.5 sentimetro ang kapal. Ibuhos sa kaldero ang 750 gramo ng tubig at pakuluin. Lagyan ng asin, vetsin, hipon, kabii at abalone at buhusan ng shaoxing wine. Alisan ng bula at lagyan ng bean curd, tapos pakuluin muli. Pagkaraang kumulo, pakuluin sa loob ng dalawa pang minuto at wisikan ng durog na paminta at sesame oil. Ibuhos sa soup bowl na may laver at isilbi.

Katangian: kaiga-igaya ang sopas at malambot ang bean curd.

Lasa: may matapang na lasa ng pagkaing-tubig.