• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-17 18:31:50    
Mga nagtitinda sa hutong ng Beijing

CRI

Kung tag-lamig, makakakita ka rin mga vendor at kung minsan pati ng kanilang mga naghihintay na customer na nakapaligid sa isang ihawan ng kamote. Sa halagang isang RMB isang kamote, ito'y isang maouting paraan ng pagpapainit ng katawan habang namamasyal sa hutong. Kung tag-init naman, may mga naglalaro ng choudoufu (mabahong taho). Kapag sinabi niyang mas masarap ito kaysa sa amoy nito, ay huwag kang maniniwala.

Ang mga serbisyo at paninda ay mabibili sa maraming lumang hutong. Kapag naissipan mong magpagupit ng buhok habang namamasyal ka sa hutong, humanap ka ng barbero sa tabing daan. Ito'y kadalasang nakasuot ng puting damit ng barbero, at gugupitan ka sa pamamgitan ng mga gamit na nasa tabi ng upuan. Nang-aahit din ito. Puwede rin itong magkumpuni ng bisekleta, o mga sira at iba pa, nang sa gayo'y hindi mahuhuli sa trabaho ang mga tagahutong. Maraming mas malalawak na hutong ang may maliliit na restoran o inuman ng tsaa, at ang huli'y nagdudulot ng kasiyahan sa mga gabi ng tag-init. Sa tapat ng shop ay naglalagay sila ng mga upuan at mesa upang makapagpulutan ang mga tao hanggang sa madaling araw.

Di-kakaunting basura ang naiiwan ng lahat ng negosyong ito-subalit hindi ito problema para sa mga hutong. Mayroon silang tinggalang mapagtatapunan ng mga negosiyante at residente ng kanilang mga kahon, bote at lalo na ng mga bagay na maaaring mare-cycle. Ang bilang kapalit ay tatanggap sila ng kaunting halaga ng pera.

Kung talagang sinusuwerte ka, may mga taga-rito ang mag-iimbita sa iyong pumasok at magmasid sa kanilang courtyard. Depende sa panahon, makakakita ka ng isa-isang tambak ng mga Chinese cabbage, na iniimbak para kainin sa taglamig. Ang tradisyong ito ay may kung ilang taon na, na nno'y ang mga cabbage ay siyang pangunahing ulam ng pamilya at walang katikayan ang spply ng pagkain sa panahon ng taglamig. Bagamat ang mga kabataan ngayon ay nagtutungo sa mga pinakamalapit na 24-hour shop kapag nagugutom, nananatili pa rin ang kaugaliang ito sa mga matatanda sa lunsod.