• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-21 18:35:04    
Xuancheng, bayan ng apat na kayamanan sa silid-aralan

CRI

Bukod sa xuan paper, nagpoprodyus ang Jingxian County ng bantog na xuan brush na siyang may pinakamatagal na kasaysayan sa mga writing brush sa Tsina. Napabantog ito dahil sa mahigpit na pagpili ng hilaw na materyal at napakahusay na pagkakayari niyon.

Ayon kay Mr. She Zhengjun, direktor ng Xuan Paper Institute ng Jingxian County, napakakomplekado ang paggawa ng xuan brush. Sa paggawa ng xuan brush para sa iba't ibang gamit, kailangang maingat na pumili ng magkaibang balahibo ng hayop. Sinabi niyang,

"Ang Langhao Brush ay yari sa balahibo ng buntot ng lubong may siyentipikong pangalang yellow weasel. Samantalang ang brush na pangguhit ng full-length landscape painting ay yari sa balahibo ng baboy-ramo. Sapagkat mas elastiko iyon at maginhawa kung gamitin sa pagguhit ng tanawin."

Ang China ink ay tradisyonal na pangkulay na materyal sa calligrapgy at inkpainting ng Tsina at isa ring kultural na likhang sining. May mahabang kasaysayan ang pinagmulan ng China ink. Kung tataluntunin natin ang pinakamaagang panahon noong may 5000 taon na ang nakalilipas, ang tinatawag na Hui inkstick ng siyang pinakatanyag sa lahat.

Sa kasalukuyan ang Xuancheng ay naging isa nang baseng nagpoprodyus ng Hui ink na ang Jixi ang siyang pinakasentro niyon.

Kailangang kiskisin sa inkstone ang inkstick para maging likidong tinta para magamit sa pagsulat at pagguhit. Karaniwa'y yari sa bato ang inkslab.

Sinabi ni Mr. Jiang Xianjin, pangulo ng Samahan ng Apat na Kayamanan sa Silid-aralan ng Lunsod Xuancheng na,

"May maaliwalas na kinabukasan ang apat na kayamanan sa silid-aralan ng Tsina, sapagkat may marubdob na damdamin sa mga iyon ang sambayanng Tsino. Yayamang ang apat na kayamanan sa pag-aaral ng Tsina'y nakapag-ambag na minsan sa sangkatauhan. Nais naming magsusumikap pa ang mga tao sa ating panahon na makapagbigay ng lalong malaking ambag sa pagpapaunlad ng kabihasnang pandaigdig."