• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-21 18:41:57    
Chain stores, nagsisimula nang makita sa kanayunan ng Tsina

CRI
Upang maging mas maginhawa para sa mga magsasakang Tsino ang pamimili ng mga pang-araw-araw na kagamitan, noong taong 2005, sinimulan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang isang preperensyal na proyekto. Sa ilalim ng proyektong ito, hinihikayat ng naturang ministri ang mga kinauukulang bahay-kalakal na magbukas ng tindahan sa kanayunan ng bansa. Nitong dalawang taong nakalipas sapul nang simulan ang proyekto, matatagpuan na sa maraming nayon ang mga tindahan na kapaki-pakinabang sa mga residenteng lokal.

Ang Nayong Yunfeng sa Lalawigang Fujian sa dakong timog-silangan ng Tsina ay isa sa mga ito. Noong araw, kung mamimili ng pang-araw-araw na gamit ang mga taga-nayon, kailangang maglakbay sila nang mahigit 60 kilometro. Pero ngayon nasa loob na mismo ng nayon ang tindahan at ilang minuto lamang ang kakailanganin para marating ito. Mahigit 150 metro kuwadrado ang saklaw ng tindahang ito at maayos na nakasalansan sa sari-sariling istante ang mga pang-araw-araw na kagamitan, prutas, gulay at electric home appliances. Sinabi ng isang mamimiling taga-nayon na si Yang Shicai na:

"May kamurahan at dekalidad din ang mga ibinebentang paninda rito. Mabentang mabena rito ang mga pang-araw-araw na kagamitan."

Mas mababa ng 5% hanggang 8% ang presyo ng mga paninda sa naturang mga chain store kumpara sa mga pribadong tindahan. Bukod dito, nagkakaloob din ang mga ito ng serbisyo ng paghahatid sa bahay ng anumang oordering aytem batay sa pangangailangan ng mga mamimiling lokal. Bukod sa mga pang-araw-araw na gamit, nagbebenta rin ang mga tindahan ng mga kasangkapan at materyal na ginagamit sa produksyong agrikultural at nag-aanyaya rin ng mga ito ang mga dalubhasa para magbigay-payo sa mga magsasakang lokal.

Kaugnay ng nasabing paborableng proyekto, isinalaysay ni Bo Xilai, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na:

"Inilunsad namin ang proyektong ito nang may layong makabili ang mga magsasakang Tsino ng mga kasiya-siyang paninda sa mga chain store na kalapit lamang nila. Kasabay nito, napapasulong din ang konsumo sa kanayunan. Nitong mahigit dalawang taong nakalipas, 160 libong tindahan na ang nabuksan sa kanayunan ng Tsina at sa katapusan ng taong ito, tinatayang aabot sa 250 libo ang bilang. Noong isang taon, sa ilalim ng proyektong ito, naragdagan ng 60 bilyong Yuan o mahigit 7 bilyong dolyares ang halaga ng konsumo ng mga magsasaka."