• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-22 19:04:44    
Goose gizzard

CRI

Mga sangkap

5 balumbalunan ng gansa (o pato o manok) na tumitimbang ng mga 400 gramo
25 gramo ng asin
25 gramo ng shaoxing wine
10 gramo ng scallions, hiniwa-hiwa
10 gramo ng luya, hiniwa-hiwa
10 butil ng Chinese prickly ash
750 gramo ng tubig

Paraan ng pagluluto

Hugasan ang mga balumbalunan at i-marinate sa loob ng 10 oras kasama ng 15 gramo ng asin at mga Chinese prickly ash.

Hugasan muli ang mga balumbalunan at pakuluin sa loob ng kaserola. Pagkaraang kumulo, hanguin ang mga balumbalunan at hugasan muli. Panatilihin ang 500 gramo ng tubig sa kaserola. Lagyan ng asin, scallions at luya at buhusan ng shaoxing wine, pagkatapos lagyan ng mga balumbalunan. Pakuluin. Bawasan ng apoy at ilaga sa loob ng 40 minuto. Hanguin ang mga balumbalunan. Pagkaraang lumamig, hiwa-hiwain at isalin sa plato. Buhusan ng sarsa mula sa kaserola at isilbi.

Katangian: mabangung mabango.

Lasa: masarap at masagana ang lasa.