• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-24 17:45:31    
Ganap na para sa mga bata --- ang China Song Qing Ling Foundation

CRI

Ang darating na Hunyo Uno International Children's Day ay isang malaking pestibal para sa mga bata. Sa 1.3 bilyong populasyon ng Tsina, mahigit 300 milyon ang mga bata. Sa Tsina, sila ay palagiang lubos na pinahahalagahan at pinagmamahalin. Bukod sa mga espesiyal na batas na gaya ng Batas hinggil sa pangangalaga sa mga menor at mga espesiyal na organong namamahala sa mga suliraning may kinalaman sa bata, maraming grupong panlipunan ay gumaganap rin ng mahalagang papel para sa pagpapasulong sa masulog na paglaki ng mga bata. Sa artikulong ito, isasalayasay ang isang ganitong organisayong panlipunan -- ang China Song Qing Ling Foundation.

Si Song Qinglin ay isang dating lider ng bansa at nagbigay siya ng namumukod na ambag para sa pagsasarili ng nasyong Tsino at kaligayahan ng mga mamamayan. Yuamo siya noong 1981. Sa kaniyang buong buhay, palagiang pinahahalagahan niya ang usapin ng mga bata. Sinabi niyang ang usapin ng mga bata ay isang usaping lumilikha ng kinabukasan. Noong 1982, 1 taong pagkaraan ng kaniyang pagyao, pormal na naitayo ang China Song Qing Ling Foundation. Sa kasalukuyan, lumampas sa 100 milyong Yuan RMB ang kabuuang ari-arian nito.

Sinabi sa mamamahayag ni Li Ning, kasalukuyang pangkalahatang kalihim ng nasabing pondasyon na nitong 25 taong nakalipas, alinsunod sa naiwang tagubilin ni Song Qing Lin, palagiang ginagawing pangunahin layunin ng kaniyang pondasyon ang pangangalaga sa malusog na paglaki at komprehensibong pag-unlad ng mga bata at nagsasagawa ng isang serye ng aktibidad ng kagalingang pampubliko hinggil dito. Sinabi niyang:

"Nagdaos kami ng isang serye ng aktibidad hinggil sa pagpapataas ng kalidad at edukasyon ng moralidad ng mga bata na gaya ng Children's Invention Prize, Song Qing Ling Children's Literature Prize, pag-oorganisa ng mga summer camp at iba pa. Bukod dito, sa mga mahirap na rehiyon, nagsagawa din kami ng mga aktibidad hinggil sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa larangan ng edukasyon na kinabibilangan ng pagbibigay-tulong sa mga mahirap na bata sa pagtanggap ng edukasyon, pagpapabuti ng kondisyon ng mga pag-aaralan at pagtatayo ng mga scholarship sa mga uniberisidad para tulungan ang mga mag-aaral. Sa iba pang aspekto, nagsasagawa din kami ng isang serye ng gawain hinggil sa pag-unlad ng usaping pangkalusugan ng mga babae at bata."

Ilampung libong batang Tsino ang nakinabang sa nasabing mga aktibidad ng Song Qing Lin Foundation. Si Liu Rong ay isa sa kanila. Siya ay galing sa kanayunan ng lalawigang Anhui at ang kaniyang mga magulang ay nagtatraboho sa Beijing. Nitong ilang taong nakalipas, palagiang pinagtutuunan ng malakin pansin ng nasabing pondasyon ang mga anak ng mga rural migrant worker. Sa International Children's Day ng taong ito, nagdaos ito ng isang espesiyal na aktibidad para sa naturang mga bata, naitatag nito ang isang base hinggil sa pagpapalaganap ng mga kaalaman ng siyensiya't teknolohiya para malaman ng mga anak ng mga migrant worker ang mas maraming kaalaman hinggil dito. Sinabi ni Liu Rong na:

"Talagang kaganyak-ganyak ang mga aktibidad na ito. Nakita ko ang maraming bagong bagay at nakaranas ako ng mga kawili-wiling bagay na wala sa mga textbook. Umaasa akong lalahok sa mas maraming ganitong aktibidad."

Sa mga abalang-abalang gawain ng Song Qing Ling Foundation, may maraming iba pang espesiyal na aktibidad para sa mga bata. Sinabi ni Li Ning na sa hinaharap, gagawing pokus nila ang mga bata sa kanayunan at mga atrasadong rehiyon at magsasagawa ng mas maraming aktibidad para mapasulong ang kanilang malusog na paglaki. Sinabi niyang:

"Sa kanayunan, maraming bata ang iniwan ngkanilang mga magulang na nagtatrabaho sa lunsod. Sa mga mahirap na rehiyon, napakasama ng kalagayang pangkasulugan. Kaya, sa hinaharap, isasaalang-alang at pagtutuunan namin ng mas maraming pansin ang mga isyung kung papaanong tutulungang silang lutasin ang mga konkretong kahirapan."