• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-28 14:11:26    
Mayo ika-21 hanggang ika-27

CRI
Idinaos noong Huwebes sa Jakarta ang kauna-unahang pulong ng mga ministro ng pamamahayag ng Tsina at ASEAN at malawak na nagpalitan ang dalawang panig ng palagay hinggil sa kooperasyon sa pamamahayag ng Tsina at ASEAN. Ipinalagay ng dalawang panig na sumasagisag ito na may mahalagang katuturan ang pagkakatatag ng mekanismong pangkooperasyon ng pamamahayag ng Tsina at ASEAN sa pagpapayaman ng nilalaman ng kooperasyon ng dalawang panig at pagpapasulong sa estratehikong partnership tungo sa kapayapaan at kasaganaan. Binigyang-diin ni pangalawang direktor Qian Xiaoqian ng tanggapan ng impormasyon ng konseho ng estado ng Tsina na ang pagpapalawak sa kooperasyon ng mass media ng dalawang panig ay mahalagang sektor at batayan ng pagpapasulong sa kooperasyon sa lahat ng larangan ng Tsina at ASEAN.

Kinatagpo noong Miyerkules sa Beijing ni kasangguni Chen Zhili ng estado ng Tsina si ministro Hishamuddin Hussein ng edukasyon ng Malasiya. Ipinahayag ni Chen Zhili na ang pagpapalitan at kooperasyon ng Tsina at Malasiya sa larangan ng edukasyon ay mahalagang bahagi ng relasyon ng dalawang bansa at umaasang magiging mas malalim ang kanilang kooperasyon at pagpapalitan sa naturang larangan sa hinaharap at makapaggaganap ng mas positibong papel sa patuloy na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Tinukoy noong Huwebes sa Nanning ni Wang Guoliang, pangalawang puno ng State Council Leading Group Office of Poverty Alleviation and Development, na ang pagbibigay-tulong sa mga mahihirap ay naging bagong larangan ng kooperasyon ng "10+3". Sinabi ni Wang na dapat isagawa ang mas maraming pagpapalitan sa pagitan ng iba't ibang bansa ng silangang Asya. Ipinalalagay din niyang ang kooperasyon ng Tsina, Hapon, Timog Korea at iba't ibang bansa ng Asean ay nagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan at progreso ng lipunan sa rehiyong ito.

Nagdaos ng preskon noong Huwebes sa Kuala Lumpur, punong lunsod ng Malaysiya ang magkasanib na delegasyon ng mga mamamahayag ng China-ASEAN Cooperation Tour. Mga pangunahing media ng Malaysiya at mga mamamahayag ng Tsina sa Malaysiya ang kalahok sa prekong ito. sa preskon, sinabi ni Sun Xinsheng, punong ng delegasyon ng Tsina na ang aktibidad na ito ay naglalayong isalaysay sa Tsina, mga bansang ASEAN at bunong daigdig ang bunga at karanasang pangkooperasyon at magandang kinabukasan ng Tsina at ASEAN sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kultura, paglalakbay, iulat ang proseso ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, pasulungin ang pangkaibigang kooperasyon sa pagitan ng mga media ng Tsina at bansang ASEAN. Si Li Chongmen, manbabatas ng Malasiya ng mataas na kupulungan at kinatawan ng Malaysian Chinese Association ang kalahok sa nasabing preskon. Ipinahayag niyang ang China-ASEAN Cooperation Tour ay isang aktibidad na may malaking katuturan, at magbibigay ito ng ambag sa pagpapasulong ng pangkaibigang relasyon ng Tsina at ASEAN.

Napag-alaman noong Araw ng Linggo ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-Asean Expo na idaraos sa Oktubre ng taong ito ang ika-4 na ekspong ito sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina at ang kooperasyon ng puwerto ay tiniyak na tema ng kasalukuyang ekspo. Ipinahayag ng nabanggit na sekretaryat na sa kasalukuyan, tiniyak na ng mga pangunahing puwerto sa ASEAN na kinabibilangan ng Port of Singapore, pinakamalaking puwerto sa rehiyong ito, ang paglahok sa porum hinggil sa pag-unlad at kooperasyon ng mga puwerto ng Tsina at ASEAN. Ang mga aktibidad na may kinalaman sa temang ito ay kinabibilangan pa rin ng pagtatanghal ng mga kaakit-akit na puwerto, pagtatanghal ng instalasyon ng puwerto, perya ng mga proyektong pangkooperasyon ng puwerto, paglalakbay-suring komersyal sa mga puwerto at iba pa.

       

Sa magkasamang pagtataguyod ng dumalaw na delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina at Singapore Business Federation, idinaos noong Miyerkules sa Singapore ang perya sa kalakalan at pamumuhunan ng Guangxi at Singapore. Sa peryang ito, nilagdaan ng mga bahay-kalakal ng dalawang panig ang 36 na proyektong pangkooperasyon na nagkakahalaga ng 984 na milyong Dolyares.

Ayon sa estadistika noong Miyerkules ng kawanihan ng kalakalan at kabuhayang panlabas ng lalawigang Fujian ng Tsina, noong nakaraang apat na buwan ng taong ito, ang kabuuang halaga ng kalakalang inaangkat at iniluluwas ng Fujian sa ASEAN ay umabot sa mahigit 1.9 bilyong dolyares na lumaki ng mahigit 22% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at ang ASEAN ay naging ika-4 na pinakamalaking pamilihan ng kalakalang panlabas ng Fujian na humalili ng Hong Kong. Ayon sa balita mula ika-4 na trade fair ng Fujian ng Tsina na idinaos sa Fuzhou, ang bilang ng mga kalahok na dahuyhang bahay-kalakal at mangangalakal na galing sa Philippines, Thailand, Biyetnam, Laos, Myanmar, Malaysiya ay kapansing-pansing lumaki.

Upang mapalakas ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina sa mga bansang Asean, isinaoperasyon noong isang linggo ang Guangxi International Tourist Caravan sa dakong timog kanluran ng Tsina para pasimulan ang 16-araw na aktibidad ng propagandang panturista sa 4 na bansang Asean na kinabibilangan ng Malaysia, Thailand, Kombodia at Biyetnam. Sa panahon ng naturang aktibidad, lalagdaan ng kawanihan ng turismo ng Guangxi at mga organisasyon ng 4 na bansang Asean na gaya ng mass media at mga samahan ng turismo ang memorandum ng kooperasyong panturista para magkakasamang ipropaganda at galugarin ang pamilihang panturista ng Guangxi.