|
Mula nang ibalita ng Serbisyo Filipino at ng ilang local networks ang hinggil sa pagsisimula ng torch relay para sa 2008 Beijing Olympics, muling uminit ang aming Olympic hotline. Para bang nabulabog ang mga tagapakinig ng naturang balita. Ilan sa mga ito ay ang mga tagapakinig sa Maynila na sina Pomett Ann ng Paco, Minda Gertos ng San Andres, at DJ Happy ng Sta. Ana at tagapakinig sa Zambales na si Maricor Sanitti ng Cabangan.
Sa kaniyang sariling wikang Ilokano, sinabi ni Maricor na tiyak na ilalabas ng mga manlalarong Tsino ang lahat ng itinatago nilang galing sa gaganaping palaro sa Beijing sa 2008 dahil ang China ang host country at sila ay maglalaro sa sarili nilang bayan at sa harap ng mga kababayan at mga panauhing dayuhan. Maganda aniyang makita ang actual performance ng magagaling na manlalarong Tsino pero wala siyang pagkakataon na makapunta sa China kaya sana magkaroon ng full coverage ang China Radio International at dito na lamang siya makikinig...
Siguradong ipapakita ng Chinese athletes ang kanilang pinakamagandang performance sa 2008 Beijing Olympics dahil ang China ang host country at sila ay maglalaro sa sariling bayan at sa harap ng mga bisitang dayuhan. Maganda sanang panoorin ang paglalaro ng mga mahusay na manlalarong Tsino pero wala akong pagkakataon na pumunta sa Beijing. Sana magkaroon ng full coverage ang China Radio International habang ginaganap ang palaro para dito na lang ako makikinig at masundan ko ang bawat development.
Sabi naman ni Pomett Ann, hindi na raw siya makapaghintay sa pagbubukas ng Beijing Olympics na aniya ay kauna-unahang clean and green Olympics sa buong mundo. Ang pagpunta aniya sa Tsina para panoorin nang personal ang mga manlalarong Tsino at mga manlalarong Pilipino na sumailalim sa pagsasanay ng mga batikang coach na Tsino ay isang dream come true. Kung mananatili raw na panaginip ang pagpunta niya sa Beijing Olympics, ayaw na niyang magising...
Para sa akin, ang pagkakataon na makapunta sa Beijing sa 2008 para manood ng Olympic events ay isang dream come true. Ito ay isang chance hindi lamang para makapunta sa Beijing at makita ang iba't ibang tourist spots sa capital city kundi para makita rin nang personal ang performance ng Chinese athletes na hindi na nalalayo sa kanilang mga counterpart na European. Ito ay maganda ring chance para mapanood ang performance ng mga Pinoy athletes na dumaan sa pagsasanay sa ilalim ng mga batikang Chinese coaches. Ngayon makikita natin ang initial results ng mga training na ito. Kaya kung panaginip man ang pagpunta sa Beijing para sa 2008 Olympics, ayoko nang magising.
Ayon naman kay Minda, walang kuwestiyon kung magiging matagumpay ang Beijing Olympics. Kung naging matagumpay aniya ang ibang games na itinaguyod ng Tsina noong araw, tiyak ding magtatagumpay ang nalalapit na palaro dahil mas maganda ang economic standing ngayon ng Tsina kumpara noong 1980's at 90's...
Walang kuwestiyon kung magiging successful o hindi ang Beijing Olympics sa 2008. Nakita naman natin siguro kung paano ginanap ang Asian Games sa Beijing noong araw. Napaghandaan nang husto ng Beijing ang naturang palaro gayong hindi pa katulad ng sa ngayon ang economic condition ng China noong time na iyon. Kung nagawa nilang magtagumpay noon, mas lalong magagawa nila
ngayon at siguradong mas higit pa. Hindi lang ito ang karanasan ng China sa pagho-host ng athletic meets. Marami pang iba. Katunayan palaging may ginaganap na palaro sa China--local, national o international man.
Sa pag-uusap naman namin ni DJ Happy, sinabi niya na kalat na kalat ang balitang nagsimula na ang torch relay ng 2008 Beijing Olympics at ito aniya ay malaking sinyales na talagang papalapit na ang Olimpiyada. Marami aniyang nakaabang dito kasi gaganapin ito sa Tsina at mataas ngayon ang status ng China sa mundo. Isa pa, nataon aniya ang pagdaraos ng Olimpiyada sa panahon ng pananagumpay ng Tsina sa iba't ibang larangan. Sana aniya mag-sponsor ang China Radio International ng mga tagapakinig para makapunta ang mga ito sa Beijing Olympics nang libre...
Alam niyo, Ka Ramon, bukod sa inyong mga balita, nai-feature din sa mga diyaryo dito ang pagsisimula ng torch relay para sa 2008 Beijing Olympics. Sabi nga maraming daraanang lunsod ang relay. Itong torch relay na ito ay sinyales na talagang papalapit na ang pinakahihintay ng mundong Beijing Olympics at kung baga, bumibilis ang countdown na sinimulan sa 2,000 days. Habang lumalapit, bumibilis din ang countdown. Maraming excited dito kasi gaganapin ito sa China at ito ay napasabay sa pag-angat ng status ng China sa world community. Alam niyo naman, Ka Ramon, na nakatuon ang paningin ng mundo sa China ngayon. Bukod sa pagiging excited, marami rin ang interesadong personal na makapanood ng mga laro sa Olympics kaya sana hinihiling ko sa China Radio International na isponsoran ang mga tagapakinig nito para makapunta sa Beijing sa 2008 at makapanood ng Olympic games nang libre.
Maraming salamat sa inyo, Maricor, Pomett, Minda at Happy.
Tunghayan naman natin ang mga mensaheng SMS ng ating textmates.
Mula sa 917 401 3194: "Best of luck sa Chinese and Filipino athletes sa darating na Olympics!"
Mula sa 919 426 0570: "Beijing Olympics, pride ng China at ng buong Asya."
At mula naman sa 919 648 1939: "Beijing Olympics: Kasama kami sa countdown."
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino. Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Minerva de la Pena ng Bajac-Bajac, Olongapo City. Sabi ng kaniyang liham:
Dear Kuya Ramon,
Pasensiya na medyo late ang pasabi ko sa iyo. Natanggap ko na ang sagot mo sa letter ko pati mga items. Nagustuhan ko iyong t-shirt at CRI cap. Noon pa naririnig ko na na ang inyong istasyon ay magiliw sa mga tagapakinig nito at wala itong pinipili.
Hindi man ako makasulat ay patuloy naman akong nakikinig sa inyong Balita, Usap-usapan, mga programang Cooking Show at iyong tungkol sa kapaligiran at mga action ng China na konektado sa pagliligtas sa panda, tiger at iba pang katulad na rare species na malapit nang mawala sa balat ng lupa. Kasi talaga namang paliit nang paliit ang mundo ng mga hayop kasi kinukuha ng mga tao.
Happy rin akong maki-join sa inyong Olympic Hotline kasi kahit papaano nadadagdagan ang kaalaman ko sa sports at nahahasa rin ang utak ko sa pag-iisip. Hindi kasi ako active sa ano mang sport. Madalas ninyong pinag-uusapan ang tungkol sa Olympics at iyong gaganaping Olympic games sa Beijing sa isang taon. Malapit na iyon. Sana maging maaliwalas ang pagdaraos nito dahil ito ay Asian pride. Hindi ba ang slogan ng Asians ay "all for one and one for all"?
Sana hindi kayo nadi-discourage kung hindi ko masagot ang sulat ninyo. Sisikapin kong sumulat ng madalas at makinig ng madalas.
Until next time.
Minerva de la Pena Bajac-Bajac Olongapo City Zambales
Salamat sa iyong liham, Minerva. Ganiyan nga, makinig kang lagi sa lahat ng mga programa namin para ma-update ka hinggil sa China. Sana sipagin kang sumulat next time, hehehe. Thank you uli and God bless.
Wala na tayong oras. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|