• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-31 10:37:32    
Ang bukal ng insperasyon ng pagtula

CRI
Ang matulaing purok ng Qiachuan ay matatagpuan sa pampang ng Yellow River, na mga 23 kilometro ang layo sa silangan ng Heyang. Ito ang pinakamalaking tuyong lawa sa Tsina. Maraming tula ng pag-ibig ng Tsina sa The Book of Song--ang pinakamaagang antolohiya ng mga tulang Tsino--ay hango sa mga pangyayari sa Qiachuan, ang sabi ng Chinese scholar na si Xia Chuancai. Ang naturang lugar ay kilala din bilang "pinagmulan ng love poetry ng Tsina".

Ang Qiachuan ay mayroon pinakamalaking latian ng tambo sa Tsina. Sumasaklay iyon ng mga 10,000 ektaryang lupain, at siyang piagpupugaran ng maraming pambihirang klase ng ibon, na kinabibilangan ng res-crested crane, white swam, black stork, bustard at heron. Ang Chunu Spring ang siyang pinakamaganda sa pitong hot spring na matatagpuan sa latian ng tambo. May isang matandang kaugalian sa Qiachuan ng paliligo ng mga dalagang ikakasal sa Virgin Spring sa bisperas ng kanilang kasal. Kaya malinis sila st masigla sa kanilang nalalapit na maligayang pamumuhay.

Ang therapeutic ay nakatagpo ng mga elemento sa mga katubigan ng pitong hot spring na tadtad ng mga latian ng tambo na kinabibilangan ng strontium, copper at selenium. Ang temperature ng mga spring ay sa pagitan ng 29 centigrade at 31 centigrade sa buong taon, na nangangahulugang sapat ang init niyon sa mga pagsasaya kahit na sa kasagsagan ng tag-lamig.

Sa timog ng pampang ng Qiachuan ay may isang malaking lawa na nagmumula sa hot spring , kung saan pinakalaki ang mga isda. Kapag kainaman ang panahon, maraming dumarayong bisita upang subukin ang kanilang kakayahan sa pangingisda. Magtagumpay man o hindi, nagpakabusog ang lahat ng sumunod na bangkete ng mga sariwa at malinamnam na isda. Mayroon ding indoor hot spring swimming pool sa tabi ng lawa, kaya ang Qiachuan ay umaakit ng lalong maraming bisita sa taglamig.