• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-04 20:30:53    
Mayo ika-28 hanggang Hunyo ika-3

CRI
Binuksan noong Lunes sa Beijing ang ika-2 simposyum ng Tsina at Singapore sa IPR, karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip. Ito ay isang palatandaan na pumasok na sa isang bagong panahon ng pag-unlad ang kooperasyon ng Tsina at Singapore sa larangan ng IPR. Napag-alaman, isasalaysay ng nasabing 1.5 araw na simposiyum ang mga pinakahuling progreso ng Tsina, Singapore at iba pang bansang ASEAN sa sistema ng IPR.

Ipinahayag ngayong araw28 ni Zhang Xiaokang, embahador Tsino sa Singapore na ibayo pang palalakasin ng Tsina at Singapore ang kooperasyon sa iba't ibang antas at aspekto. Nang kapanayamin ng mga mamamahayag ng China-ASEAN Cooperation Tour, sinabi ni Zhang na maalwang umuunlad ang relasyon ng Tsina at ASEAN, patuloy na papasulungin ng dalawang panig ang kontruksyon ng Suzhou Industrial Park, ipagpapatuloy ang talastasan hinggil sa malayang sonang pangkalakalan at palalakasin ang kooperasyon sa pandaigdigang multilateral na kooperasyon sa mga okasyong diplomatiko. Dumating kahapon sa Singapore ang magkasanib na deleasyoon ng mga mamamahayag ng China-ASEAN Cooperation Tour at sinimulan ang kanilang aktibidad doon. Ang Singapore ay ika-7 hinto ng pagdalaw ng nasabing delegasyon sa mga bansang ASEAN.

Sa paanyaya ni premiyer Wen Jiabao ng Tsina, si punong ministrong Surayud Chulanont ng Thailand ay dumating ng Beijing ngayong hapon28 sakay ng natatanging eroplano at sinimulan ang kanyang 2 araw na opisyal na pangkaibigang pagdalaw sa Tsina. Ayon pa sa ulat, ito ay kauna-unahang pagdalaw ni Surayud pagkatapos ng kanyang panunungkulan bilang PM. 46 na opisyal na gaya ng ministro ng tanggulang bansa, ministrong pinansyal, ministrong pansiyensiya at panteknolohiya, ministro ng edukasyon at pangalawang ministrong panlabas ang sumama sa kanya sa pagdalaw.

Ipinahayag ni punong Tian Lipu ng Pambansang Kawanihan ng Karapatan sa Pagmamay-ari sa Likhang-isip ng Tsina na patuloy na palalalimin ng Tsina ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa lahat ng bansa ng ASEAN na kinabilangan ng Singapore sa larangan ng Karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip, IPR. Sinabi ni Tian Lipu sa ika-2 simposyum ng sistema ng IPR ng Tsina-Singapore na idinaos kahapon sa Beijing na nagkaloob ang simposyum na ito ng isang mahalagang plataporma ng pagpapalitan para malalim na malaman ng Tsina ang IPR ng Singapore at iba pang bansa ng ASEAN at tiyak na patuloy na pasusulungin nito ang pakikipagtulong ng Tsina sa Singapore at iba pang bansa ng ASEAN sa larangan ng IPR para lumikha ng paborableng pasubali sa pagkokomplemento at koordinadong kaunlaran ng IPR ng iba't ibang bansa at paglikha ng mabuting kapaligirang panrehiyon ng pamumuhunan.

Ipinahayag kahapon29 sa Kunming ng Yunnan ng Tsina ni punong ministrong Surayud Chulanont ng Thailand na nakahanda ang pamahalaan ng Thailand na makipagtulungan sa Tsina at Laos para pasulungin ang pagpapalitan ng mga paninda at pagpapadali ng kalakalan sa daanang pandaigdig mula Kunming hanggang Bangkok. Sa kanyang pakikipagtagpo kay gobernador Qin Guangrong ng lalawigan ng Yunnan, sinabi ni Surayud na nakahanda ang Thailand na pasulungin ang pagtatayo ng network ng komunikasyong nakakabuti sa kooperasyong panrehiyon na kinabibilangan ng proyekto ng lansangan at daambakal.

Ipinahayag ngayong araw31 ni embahador Lan Lijun ng Tsina sa Indonesia na ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Indonesia sa iba't ibang larangan ay nasa pinakamabuting yugto sa kasaysayan at patuloy na mapapasulong at mapapaunlad ito. Sinabi ni Lan Lijun nang kapanayamin siya ng grupo ng mga mamamahayag ng China-ASEAN Cooperation Tour na pinasulong ng pagkatayo ng estratehikong partnership ng Tsina at Indonesia ang pag-unlad at kooperasyon ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong yugtong pangkasaysayan at itinuro nito ang mas maliwanag na dereksyon para sa pag-unlad ng kanilang bilateral na relasyon.

Idaraos mula ika-5 hanggang ika-6 ng Hunyo ang ika-5 China-ASEAN Investment Southwest Projects Conference 2007 at Porum ng mga mangangalakal Tsino sa rehiyong Asya-Pasipiko sa Kunming, punong lunsod ng lalawigang Yunan sa dakong timog kanluran ng Tsina. Ayon sa ulat ng pamahalaan ng Yunnan, hanggang sa kasalukuyan, may halos 300 kilala-kilalang mangangalakal Tsino mula sa 18 bansa at rehiyon, 27 Chinese Chamber of Commerce ang nakalista na lalahok sa pulong na ito. Ayon sa salaysay, ang mga kalahok ay galing sa, pangunahin na, Singapore, Malaysiya, Indonesiya, Pilipinas, Myanmar, Laos, Kambodya, Hapon, Australya at iba pang bansa. Ang ika-5 China-ASEAN Investment Southwest Projects Conference 2007 at Porum ng mga mangangalakal Tsino sa rehiyong Asya-Pasipiko ay inihandog ng tanggapan ng konseho ng estado ng Tsina sa mga suliranin ng Overseas Chinese at pamahalaan ng lalawigang Yunan, ito ay isang pangunahing plataporma para maakit ang mga mangangalakal Tsino ng mga bansang ASEAN na mamuhunan sa Timog Kanluran ng Tsina.

Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw31 ng ministring panlabas ng Tsina, mula ika-6 hanggang ika-7 ng Hunyo ng taong ito, dadalaw at maglalakbay-suri sa Chongqing at Lalawigang Sichuan ng Tsina si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas.

Sa kaniyang talumpati kahapon1 sa seremonya ng pagbubukas ng ika-6 na Asia Security Conference, pinapurihan ni Lee Hsien Loong, PM ng Singapore ang pakikisama sa daigdig, aktibong paglahok sa mga porum na panrehiyon at pagpapalakas ng pakikipagpalitang pangkalakalan at pantauhan sa mga bansang ASEAN ng Tsina nitong ilang taong nakalipas. Tinukoy niyang: "Palagiang nakakaapekto sa buong daigdig ang kahalagahan sa larangan ng estratehiya at mabilis na pag-unlad ng Tsina. Nagsasagawa ang Tsina ng patakaran ng pagbubukas at ibayo pang nakikisama sa daigdig. Sa rehiyong ito, pinauunlad ng Tsina ang estratehikong partnership sa mga kapitbansa nito at pinataas ang impluwensiya nito. Habang pinalalakas ang pakikipag-ugnayan sa iba pang malaking bansa, nakahanda rin ang lahat ng mga bansang Asyano na itatag ang relasyong pangkaibigan sa Tsina." Kaugnay ng kalagayang panseguridad ng Asya, sinabi ni Lee na sa kasalukuyan, optimistiko ang kapaligirang estratehiko ng Asya, tuluy-tuloy na susulong tungo sa direksyong konstruktibo ang relasyon ng mga malaking bansa at nilulutas din ang mga isyung pinahahalagahan sa loob ng rehiyong ito. Nagkakaloob ito anya ng matatag na pundasyon para sa pag-unlad ng rehiyong ito.

Nag-usap kahapon2 sa Singapore City sina Teo Chee Hean, ministro ng tanggulan ng Singapore at Zhang Qinsheng, pangalawang puno ng pangkalahatang estado mayor ng People's Liberation Army ng Tsina. Malalim na nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa pagpapaunlad ng relasyon ng mga departamentong pandepensa ng dalawang bansa at mga iba pang isyung kapuwa nilang pinahahalagahan. Sa pag-uusap, ipinahayag ni Zhang na nitong ilang taong nakalipas, batay sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore, nagiging mas mahigpit ang relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa at higit sa lahat, naitatag ng dalawang bansa ang mekanismong pandiyalogo sa patakarang panseguridad at naisagawa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng pagsasanay ng mga tauhan. Anya pa, nakahanda ang panig Tsino na ibayo pang palalimin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang hukbo at pasulungin ang pagiging pragmatiko ng kanilang pagtutulungan. Nagbigay ng positibong reaksyon si Teo Chee Hean sa mungkahi ng panig Tsino at ipinalalagay niyang maaring ibayo pang palawakin ang saklaw ng pagtutulungan ng dalawang panig. Ipinahayag pa niyang patuloy na nananangan ang kaniyang bansa sa prinsipyong isang Tsina.