• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-05 18:22:39    
Sweet and sour pork

CRI

Mga sangkap

200 gramo ng karne ng baboy
25 gramo ng siling berde
25 gramo ng sibuyas
2 gramo ng asin
15 gramo ng shaoxing wine
50 gramo ng ketsop
40 gramo ng asukal
1 gramo ng vetsin
3 gramo ng suka
25 gramo ng tubig
2 liha ng bawang
200 gramo ng mantika
1 itlog
10 gramo ng kari
50 gramo ng tuyong cornstarch

Paraan ng pagluluto

Hiwa-hiwain ang karne sa mga pirasong 2 sentimetro ang haba, 3 sentimetro ang lapad at 0.5 sentimetro ang kapal. Lagyan ng asin at kari at haluing mabuti. Lagyan din ng itlog para i-marinate sa loob ng 10 minuto. Budburan ng tuyong cornstarch ang bawat piraso ng karne.

Hiwa-hiwain ang siling berde at sibuyas mga piraso 2 sentimetro ang haba, lapad at kapal. Tadtarin ang bawang.

Initin ang mantika sa temperaturang 200 hanggang 220 degree centigrade at igisa ang mga piraso ng karne hanggang sa malutong sa labas. Hanguin at patuluin.

Panatilihin ang 50 gramo ng mantika sa kawali at initin. Lagyan ng siling berde, sibuyas at bawang at igisa hanggang lumutang ang bango. Lagyan ng karne, kasama ng ketsop, asin, vetsin, asukal, tubig at suka at igisa. Haluing mabuti para pahiran ng ketsop ang lahat ng mga piraso ng karne. Isalin sa plato at isilbi.

Katangian: pula at makintab.

Lasa: maasim at matamis. Masarap.