• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-06 19:11:42    
Charge de'affairs ng Tsina sa Pilipinas, binigyan ng mataas na pagtasa ang relasyong Sino-Pilipino

CRI

Sa kanilang unang araw sa Pilipinas, kinapanayam kaninang umaga ng delegasyon ng China ASEAN Cooperation Tour si Deng Xijun, charge de'affairs ng Tsina sa Pilipinas. Sa panayam, binigyan ni Deng ng mataas na pagtasa ang relasyong Sino-Pilipino at ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.

Nitong ilang taong nakalipas, nang mabanggit ang relasyong Sino-Pilipino, madalas na ginagamit ng mga lider ng dalawang bansa ang salitang "ginintuang panahon". Ipinalalagay ni Deng na buong-husay na inilalarawan ng salitang ito ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon ng dalawang bansa. Sinabi niya na ito ay ipinakikita sa tatlong aspekto. Ipinaliwanag niya na:

"Una, nangangahulugan itong nagkaroon na ang mga lider ng dalawang bansa ng komong palagay hinggil sa target ng pagpapaunlad ng relasyong pulitikal ng dalawang bansa. Ikalawa, malakas nitong napapasulong ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at talagang nakikinabang din ang dalawang panig sa kalagayang ito. At ikatlo, sa pamamagitan nito, naisakatuparan ng dalawang bansa ang kooperasyon sa South China Sea at magkasanib na paggagalugad sa dagat na ito."

Sa kasalukuyan, dumadalaw si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas sa mga lunsod ng Chengdu at Chongqing sa timog kanlurang Tsina. Kaugnay nito, sinabi ni Deng na:

"Ito ang ikatlong pagdalaw ni pangulong Arroyo sa Tsina sa loob ng nagdaang 8 buwan. Bago pumunta sa Tsina, sinabi ni Arroyo na dapat tularan ng Pilipinas ang Tsina sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, kaya umaasa siyang makakadalaw sa Tsina nang isa o dalawang beses taun-taon at sa bawat pagdalaw, makakapunta sa iba't ibang lugar para maranasan niya mismo ang pag-unlad ng buong Tsina. Ayon pa rin sa kanya, ang kasalukuyang pagdalaw sa Chengdu at Chongqing ay naglalayon ding pasulungin ang relasyon ng Pilipinas at mga pamahalaang lokal ng Tsina para ibayo pang mapayaman ang relasyon ng dalawang bansa."

Sa panayam, isinalaysay din ni Deng ang mga aspekto ng kooperasyong pang-agrikultura ng Tsina at Pilipinas na kinabibilangan ng hybrid rice and corn, kalakalan ng mga prutas at makinang pang-agrikultura. Positibo si Deng sa mga natamong bunga ng dalawang bansa sa mga aspektong ito. Sinabi niyang,

"Ang kooperasyong pang-agrikultura ay isang mahalagang bahagi sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Pilipinas. Nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng magkasamang pagpapasulong ng mga lider at pamahalaan ng dalawang bansa, natamo ng kooperasyong ito ang maraming bunga na tinatanggap ng pamahalaan at mga mamamayan ng Pilipinas."

Bingyan naman ni Deng na positibong pagtasa ang China ASEAN Cooperation Tour na itinataguyod ng China Radio International, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi at Hong Kong Phoenix Television. Sinabi niya na:

"Sa palagay ko, may malaking katuturan ang aktibidad na ito. Makakabuti ito sa ibayo pang pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at ASEAN at sa isa pa mahalagang aspekto, mapapalalim nito ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Sa biyahe ngayon sa Pilipinas, kapapanayamin ng delegasyon ang mga mataas na opisyal ng Pilipinas at magkokober din sa mga aktibidad bilang paggunita sa ika-6 na Araw na Pangkaibigan ng Pilipinas at Tsina. Nananalig akong sa pamamagitan ng mga ulat na gagawin doon, ibayo pang mapapahigpit ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at makakapagbigay ang biyaheng ito ng malaking ambag sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Pilipino."