• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-07 16:17:18    
Ilog Minjiang

CRI
Ang Ilog Minjiang ay isang medyo malaking sangang ilog sa itaas na seksyon ng Yangtze River, nagmumula ito sa mataas na kabundukan sa hilaga ng Sichuan.

Tuwing may malakas na agos mula sa bundok sa panahon ng tagsibol at tag-init, dadaloy sa Minjiang ang tubig sa pamamagitan ng malalaki't maliliit na sangang ilog, na rumaragasa pababa, at papasok sa kapatagan ng Sichuan mula sa Guanxian country. Dahil makikipot ang mga lagusan ng tubig, kaya madalas na magkaroon ng baha noong unang panahon. Pagkaurong ng baha, buhangin at mga bato ang natitira sa malawak na lupain.

Nahahadlangan ng Bundok Yulieshan sa silangang pampang ng Ilog Minjiang sa Guanxian Country ang pagdadaloy ng tubig pasilangan, kaya naging tuyo sa silangan samantalang umaapaw naman ang tubig sa kanluran. Dahil dito'y hindi napapatubigan ang dakong silangan ng kapatagan, na malubhang umapekto sa pag-unlad ng agrikultura. Noong panahon ng nagdidigmaang Estado, ang opisyal ng Prepekturang Shu na si Libing at ang kanyang anak ay nagmalasakit sa pagdurusa ng mga mamamayan. Nag-inspeksyon sila sa kalagayan ng lupa at tubig sa magkabilang pampang ng Minjiang.

Noong 250 BC, inorganisa nila ang mga mamamayan na magbungkal ng lupa, at alisin ang punso. Nagtayo sila ng mga sangang dike upang paghiwalayin ang pagdaloy ng rumaragasang tubig ng Ilog Minjiang. Nagbungkal sila ng mga kanal sa kapatagan, upang padaluyin ang tubig at mapatubigan ang bukirin. Sapul noon, dumadaloy sa Dujiangyan ang rumaragasang tubig, sa gayo'y naging ligtas ang mapanganib na kalagayan. Hindi lamang naiwasan ang kapahamakan, kundi napakinabangan pa ito, at nabigyan ng biyaya ang mga pananim. Sa gayo'y naging masaganang lupa ang kapatagan ng Chengdu.