• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-07 16:18:21    
Chongqing, magandang lunsod sa timog-kanlurang Tsina

CRI

Ang Chongqing ay isang bulunbunduking lunsod sa timog kanlurang Tsina. Sa lunsod na ito, nakikita mo ang mga tanawin ng isang metropolitan at gayun din ang mga komunidad na may maraming halaman.

Ang katangi-tanging hitsurra ng lumang Chongqing ay nakikita mo, pangunahin na sa rehyong Yuzhong o Gitnang Chongqing: pataas-pababa ang kalagayang heograpikal at halos walang patag na lupa. Mula noong sinaunang panahon, sinimulang itatag ng mga tao doon ang mga gusali sa dahilig at ang hile-hilera ng mga nagtatayuan ay nakatayo alinsunod sa lagay ng bundok. Dahil dito, ang Chongqing ay naging kilalang kilala bilang "Lunsod na bundok".

Ang masaganang tanawing urban ng Chongqing, ay ipinakikita, pangunahin na, sa lugar ng Jiefangbei o liberation monument commercial circle, "Jiefang" ay ibig sabihing "liberasyon" at ang "Bei" ay monumento. 27 metro ang taas ng monumento ng liberasyon na naitayo noong 1945 pagkaran ng tagumpay ng digamaan laban sa pananalakay ng Hapon. May 4 na lansangan sa 4 na direksyon ang umiikot sa monumentong ito. Dito, may maraming mataas na buildings. Ang lugar na ito ay sentro ng negosyo ng Chongqing.

Nakasalubong ang mamamahayag sa liwasan ng Jiefangbei ng isang matanda na si ginoong Yang. Si ginoong Yang ay isang taga-Chongqing at nagtrabaho siya minsan nang maraming taon sa iba pang lugar. Sapul nang bumalik sa Chongqing noong 1992, siya mismo ang nakasaksi ng malaking pagbabago ng lunsod na ito. Sinabi niyang:

"Noong panahong bumalik ako sa Chongqing, kasisimula pa lamang ng pagpapabago sa lumang lunsod. Halos walang mataas na gusali noon sa rehiyong ito, ang momumento ng liberasyon ay pinakamataas na estruktura. Ngunit, sa kasalukuyan, ang monumentong ito ay naging pinakamababa sa rehiyong ito. Magandang maganda ang Jiefangbei Walking Street at tinawag itong Unang lansangan sa gawing kunluran ng Tsina. Kilalang kilala ang mataong lansangang ito sa buong bansa."