• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-11 14:19:00    
Isang lunsod na ginagayakan ng porselana

CRI
Ang Jingdezhen, nasa Lalawigang Jiangxi sa kalagitnaan ng Tsina, ay isang lunsod na nagtataglay ng katangian ng porselana.

Sa lahat ng sulok sa Jingdezhen ay kitang-kita ang katangian ng porselana, lalo na sa mga eskinitang nagkakasala-salabat sa kalunsuran.

Noong nakaraang panahon, ang mga bahay-bahay sa mga eskinita ng Jingdezhen, karaniwa'y ginagawang tindahan ang silid na nakharap sa kalye, samantalang ginagawang talyer ang bakuran sa likod para gumawa ng porselana, naroroon din ang malaking hurno para sa pagpoprodyus ng porselana.

Ang sesenta anyos na si Mr. Jupp Kapell ay isang propesor sa National Art School ng Netherlands. May 40 taon na siyang nananaliksik ng sining ng porselana. Kamakailan nang magbakasyon siya'y pumarito sa Jingdezhen upang manaliksik ng porselana. Sinabi niyang,

"Sa paggala-gala sa Jingdezhen, makikitang may kanya-kanyang katangian ang bawat kalye't eskinita sa Jingdezhen, di-pare-pareho ang kagayakan at iba-iba ang ginagawa nilang porselana, kahit na ang mga daan ay nalalatagan ng iba't ibang pira-pirasong porselana, kapag nakapaglibut-libot doon ay talagang ayaw nang lumisan doon."

Maliit ang lunsod ng Jingdezhen, pero nakahuhumaling ang katangian ng mga porselana nito. Kung may panahon kayo, mangyari pa'y pumarito kayo sa Jingdezhen para maranasan ninyo mismo ang kariktan ng mga porselana.