• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-12 20:40:11    
Deep-fried boneless chicken

CRI

Mga sangkap

Isang batang manok na tumitimbang ng 600 gramo at inalisan ng laman
100 gramo ng harina
2 itlog
1000 gramo ng mantika, 1/20 lamang ang makukunsumo
5 gramo ng asin
1 gramo ng vetsin
5 gramo ng shaoxing wine
5 gramo ng asukal
10 gramo ng scallions, hiniwa-hiwa nang pino
10 gramo ng luya, hiniwa-hiwa

Paraan ng pagluluto

Alisan ng ulo, leeg at mga paa ang manok at buksan ang likod nito. Ilagay ang manok sa palangganita at pantay-pantay na pahiran ng 3 gramo ng asin. Lagyan din ng vetsin, asukal, scallion at luya at buhusan ng shaoxing wine para i-marinate sa loob ng dalawang oras.

Initin sa malakas na apoy ang tubig sa loob ng kaserola at pakuluin ang manok hanggang maluto. Hanguin at patuluin. Alisin ang lahat ng mga buto.

Batihin ang ilog sa isang mangkok. Lagyan ng harina at 2 gramo ng asin at buhusan ng tubig para gumawa ng pasta, tapos pantay-pantay na pahiran ang manok na walang buto.

Initin sa malakas na apoy ang mantika sa kawali sa temperaturang 200 hanggang 220 degree centigrade at igisa ang manok hanggang tumigas ang pasta. Bawasan ang apoy at patuloy na igisa ang manok hanggang sa maging kulay brown. Hanguin at patuluin. Hiwa-hiwain nang maliit. Isilbi kasama ng mixture ng asin at pamintang inihurno at dinurog na.

Lasa: may magandang kulay brown. Malambot sa loob at malutong sa labas.

Katangian: maalat at masarap.