• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-14 14:54:14    
Ang malaking pagbabago sa "lunsod na bundok" -- Chongqing

CRI
Ang liberation monument ay saksi sa pag-unlad ng Chongqing. Sapul nang maging munispalidad na direktang sumasailalim sa pamamahala ng pamahalaang sentral noong 1997, binigyan ng pamahalaang Tsino ang Chongqing ng mas malaking kapangyarihang administratibo at mas maraming pagkatig sa pondo at patakaran. Napakabilis ng pag-unlad ng kabuhayan ng lunsod na ito. Tumataas at lumalaki ang lunsod na ito sa isang walang katulad na kabilisan. Ilampung kilometro kuwadradong lupa ang ginamit para sa konstruksyon bawat taon at naging isang bagong rehiyon ito ngayon. Walang humpay na lumalawak ang lunsod na ito batay sa pundasyon ng lumang lunsod.

Kasunod ng pagbilis ng proseso ng urbanisasyon. May mga 400 libong populasyon ang lumilipat sa lusod bawat taon, bagay nanagpapalaki ng pangangailangan ng komeisiyal na bahay. Nitong ilang taong nakalipas, napakasagana ng industriya ng rela estate ng Chongqing, umabot sa mga 500 milyong metro kuwadrado ang mga bagong tayong bahay. Ang rehiyon ng Dadukou sa timog kanlurang Chongqing ay isa sa mga bagong humihikayat ng pinakamaraming pamumuhunan ng real estate. Ang rehiyong ito noon ay isang komunidad sa ilalim ng isang malaking bahay-kalakal na ari ng estado –Chongqing Iron and Steel Group. Pagkaraan ng pag-unlad nitong ilang taong nakalipas, ang rehiyong ito ay naging isa sa mga rehiyon ng Chongqing na may napakagandang tanawin at kapaligiran. Sinimulang lumipay din ang nasabing bahay-kalakal ng bakal't asero para sa pangangalaga sa kapaligiran. Sinabi ni Zeng Qingzeng, isang residente sa rehiyong ito na:

"Umaasa kaming lahat na bubuti ang kapaligirang pampamumuhay. Ang Chongqing Iron and Steel Group ay pangunahing pinanggagalingan ng polusyon ng aming lunsod, lalung lalo na ng rehiyong ito. Masasabi, pagkaraan ng paglilipat ng bahay-kalakal na ito, ang aming rehiyon ay magkakaroon ng pinakamagandang kapaligirang pampamumuhay sa Chongqing."

Bukod sa paglilipat ng nasabing bahay-kalakal ng bakal't asero, nagsasagawa din ang Chongqing ng isang serye ng hakbangin para pangalagaan ang kapalgirang ekolohikal. Kauganay nito, sinabi ni Yang Qingyu, direktor ng lupon ng pag-unlad at reporma ng Chongqing na:

"Hanggang sa kasalukuyan, naitayo namin ang 48 Sewage disposal Plant at 36 garbage disposal Plant. Nangunguna kami sa buong bansa sa aspekto ng sewage at garbage treatment."