• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-21 21:22:22    
Dambuhalang Dujiangyan at papel nito

CRI
Ang Dambuhalang Dujiangyan Irrigation system noong sinaunang panahon ay nagtataglay ng siyentipikong at mapanlikahang katangian. Gumamit ito ng estilo ng proyekto na padaluyin ang tubig sa kalagayang walang dike. Itinayo iyon sa lugar na pinagsangahan ng bundok, ilog at kapatagan. Pumili ng lugar alinsunod sa siyentipikong paraan at makatuwiran ang pagkakaayos, mahusay na nagkokoordinahan ang kondisyon ng proyekto at kalagayan ng lupa, nagkakapupunan sa isa't isa. Ito ang dahilan na magpahanggang sa ngayo'y gumaganap pa rin ng mahalagang papel ang Dujiangyan.

Nahahati sa 2 bahagi ang proyekto ng Dujiangyan, alalaon baga'y ang proyekto ng unahan ng kanal at ang purok ng patubig. Pinili ang kaitaasang bahagi ng kapatagan ng Chengdu upang dito umpisahan ang kanal na 726 metro ang taas mula sa kapatagan ng dagat na siyang pinakamataas na lugar ng buong purok ng patubig. Umaasa ito sa masaganang (water resource) sa itaas na seksyon ng Ilog Minjiang. Ang proyekto ng kanal ay binubuo ng 3 pangunahing proyekto sa Yuzhui, Feishayan at Baopinkou, pati ng subsidyarong proyekto ng dike ng Baizhangdi at dike ng Renzhidi.

Ang Yuzui ay sangang kanal na itinayo sa kalagitnaan ng ilog. Dito inilihis ang pagdaloy ng tubig ng Ilog Minjiang tungo sa panloob at panlabas ng ilog. Ang panlabas na ilog ay tuwirang dumadaloy sa Ilog Minjiang, samantalang ang panloob na ilog ay dumadaan sa Baipingkou, tapos ay dumadaloy sa kapatagan ng Sichuan upang mapatubigan ang mga bukirin. Ang Feishayan ay nasa pagitan ng Yuzhui at Baopingkou. Ginagamit ito para padaluyin ang umaapaw na tubig, at makontrol ang bolyum ng tubig mula sa Yuzhui, at nang maiwasan ang subrang pagdaloy ng tubig sa panloob na ilog.

Ang Baopingkou ay pangkalahatang pasukan ng tubig tungo sa panloob na ilog mula sa Ilog Minjiang. Binungkal ang Bundok Yulieshan at inalis ang punso. Ang tatlong pangunahing bahagi ng Dujiangyan ay umaasa bumabagay at naglilimitahan sa isa't isa. Sa pamamagitan ng masusing pagdesenyo at makatuwirang pag-ayos, nagi itong isang proyekto ng pagpapadaloy ng tubig. Pinakikinabangan ito para sa patubig, paghadlang sa baha at paglalayag sa ilog. Noong 1949, sumasaklaw lamang ng mahigit 2 milyong Mu ang buong napatutubigang purok, sa ngayo'y pinalaki na at umabot na sa mahigit 8 milyong Mu. Ang 1 Mu ay katumbas ng 0.0667 ektarya. Layunin ng pangunahing proyekto ng Dujiangyan na ilihis ang pagdaloy ng tubig ng Minjiang sa dalawang paagusan.

Ang isang pinadaloy sa kapatagan ng Chengdu, sa gayo'y nabawa ang pag-apaw ng tubig at naiwasan ang kapahamakan, at napatubigan pa ang mga bukirin. Naiwasan ang kapahamakan at napakinabangan pa ito. Sa gayon, niyaya ni Libing sa tulong ng kanyang anak ang mga magsasakang may karanasan sa pagsupil ng baha. Sinuri nila ang kalagayan ng lupa at ang pagdaloy pasilangan ng Ilog Minjiang. Nagtika silang magtunel sa Bundok Yulie para mapadaloy ang tubig. Sa kalagayang wala pang pulbura noon, (ang pulbura ay naimbento noong taong 25 hanggang 220 AD sa panahon ng Dinastiya ng Silangang Han). Hindi maaring pasabugin ang bundok, pinainit nila sa apay ang malalaking bato hanggang magkabitak, sa gayo'y napabilis ang paggawa ng proyekto, sa wakas ay nayari ang tunel na may 20 metro ang lapad, 40 metro ang taas at 80 metro ang haba.

Sa kalagayang mababa ang lebel ng tubig, ang bilis ng pagdaloy ng tubig ay 3 metro bawat segundo at kung mataas ang level ng tubig, ang bilis ng daloy ng tubig ay 6 na metro bawat segundo. Sapagkat kawangis ng bunganga ng bote ang tunel na ito, kaya tinawag na Baopinkou. Inalis nila ang bunton ng mga binungkal mula sa Bundok Yulieshan.