• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-21 21:25:16    
Ang kuwento ng mga taga-HK sa mainland

CRI

Ang darating na Hulyo Uno ay ika-10 anibersaryo sa pagbalik sa inangbayan ng Hong Kong. Nitong 10 taong nakalipas, walang humpay na lumalaki ang bilang ng mga taga-HK na nagtatrabaho o humahanap ng pagkakataon ng asenso sa mainland. Nagpapahigpit din sila sa pag-uuganyan ng mainland at Hong Kong.

Si ginang Pan Huixin ay nagtatrabaho sa tanggapan sa Beijing ng Kawanihan ng Kalakalan't Kaunlaran ng Hong Kong. Noong taga-sibol ng nagdaang taon, ipinadala siya sa Beijing para sa trabaho. Mahigit 1 taon na hanggang ngayon ang kaniyang pag-iistay dito. Sinabi niyang:

"Ito ang unang beses para sa akin na lumisan ng Hong Kong at namumuhay sa iba pang lugar nang mahabang panahon. Nakaranas ako dito ng 4 na panahon: taga-sibol, taga-araw, taglagas at taga-lamig, nagkaiba ang kilama ng Beijing at Hong Kong. Kinailangan ko ang takdang panahon para maibagay ang kaniyang sarili sa klimang ito. Ngunit, napakafresh ang pakikiramdam ko dito."

Bukod sa klima, ang unang imresyong naiwan ng Beijig sa kaniya ay mas malaki ang lunsod na ito kaysa sa Hong Kong. Ngunit sa tingin niya, may mas marami pa ang ibang pagkakaiba ng dalawang lunsod na ito. Sinabi niyang sa Hong Kong, napakabilis ang ritmo ng pamumuhay at trabaho ng mga mamamayan. Mahaba ang panahong pantrabaho at palagiang kailanagang magtrabaho sa bakasyon. Ngunit sa Beijing, datapuwa't napakaigting pa rin ng pagtatrabaho, ang mga tao dito ay may maraming malayang panahon sa pagtatamasa sa pribadong pamumuhay pagkatapos ng trabaho, makapag-eenjoy ang mga tao sa mga nagkakaibang pamumuhay. Sinabi ni Pan na talagang kabisera ng kultura ang Beijing, may maraming lugar na dapat bisitahan.

Si Gao Qibin ay nag-aaral ngayon ng marketing sa Peking University. Junior siya ngayong taon. Sinabi niyang ang kaniyang pagpili sa pagtanggap ng edukasyon ng pamantasan sa mainland ay dahil may malaking nakatagong lakas ang mainland sa pag-unlad at ito ay kinikilala sa buong daigdig. Mas maaga kang pumarito sa mainlad, mas maaga kang magiging pamiliar sa kalagayan nito, tiyak na makakabuti ito sa kaniyang karera bilang isang mag-aaral ng kursong komerisiyal.