• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-25 10:13:23    
Isang espesyal na job fair sa Tsina

CRI
Sa magkakasamang pagtataguyod ng pamahalaan at mga organisasyong di-pampamahalaan, naidaos kamakailan sa apat na sulok ng bansa ang isang-linggong job fair para sa mga pribadong bahay-kalakal.

Kaugnay nito, sinabi ni Gng. Liu, isang namamahalang tauhan mula sa isang kalahok na kompanya, na:

"Mainit na tinatanggap ng mga kalahok na bahay-kalakal ang ganitong job fair kung saan maaring buong-husay na malaman ng mga aplikante ang hinggil sa iba't ibang kalahok na kompanya samantalang ang mga kompanya naman ay nabibigyan ng napakalaking pagkakataon na makapili ng kasiya-siyang talento. Napakaepisyente nito kapuwa para sa mga aplikante at bahay-kalakal."

Positibo rin ang koment ng mga aplikante sa nasabing job fair. Si Zhu Chenglin ay isa sa mga ito. Nang tanungin kung bakit may intension siyang pumasok sa isang pribadong bahay-kalakal, sinabi niya na:

"Sa palagay ko, mas malaki at mas maraming pagkakataong maiaalok sa isang bagong graduate ang mga pribadong bahay-kalakal."

Kaugnay ng papel ng mga pribadong bahay-kalakal sa paglikha ng trabaho, sinabi ni Chu Ping, Pangalawang Puno ng All-China Federation of Industry and Commerce, na ang pagpasok ng mga bagong graduate sa mga pribadong bahay-kalakal ay kapaki-pakinabang sa magkabilang panig. Sinabi niya na:

"Ang pagpasok sa mga pribadong bahay-kalakal ng mga talento na tulad ng mga bagong graduate sa pamantasan ay nagpapasulong ng pag-unlad ng nasabing bahay-kalakal samantalang nagdudulot din ito ng pagkakataon para sa sariling pag-unlad ng mga naturang estudyante."

Sinabi pa ni G. Chu na magtataguyod ng kanyang pederasyon ng mas marami pang aktibidad para mahikayat ang mga magtatapos sa pamantasan na magtrabaho sa mga pribadong bahay-kalakal at nang sa gayon, malutas ang isyu ng hanap-buhay ng bansa.