Sa Tsina, may isang kilalang awitin ang nagsaad na "kay liwanag ng langit sa panahon ng tag-init, ang bighani ng Isla ng Araw..." Inilalarawan ng naturang lylik ang tanawin ng tag-init sa Harbin.

Harbin ay kapital ng lalawigang Heilongjiang sa kahilagahan ng Tsina at nasa semi-frigid zone ng daigdig. Ang lunsod na ito ay kilalang dahil sa pestibal ng yelo at niyebe ng Harbin na idinaraos bawat taglamig. Idinaos din dito ang Winter Asyan Games noong 1996.
Bukod dito, sa tag-init naman, nagiging isang ideyang mapupuntahan ang Harbin para umiwas sa pag-init. Isinalaysay ni Zhang Jun, isang opisiyal ng ng kawanihan ng turismo ng Harbin na:

"Kinagigiliwan nang husto ng mga manlalakbay ang yelo at niyebe sa Harbin.. At katangi-tangi rin ang mga produktong panturista dito sa Harbin sa tag-init."
Tuwing sa tag-init, umiihip ng preskong hangin mula sa Ilog Songhua ng Harbin. Sa Stalin Park sa kababaan ng Ilog Songhua, makikita ninyo ang taong nakakaupo sa mga bangkito sa lilim ng mga puno o simple nakakaupo sa pambang ng ilog para magtamasa ng marikit na tanawin. Sa katunayan, hindi dito lamang sa tabi ng ilog ang kapreskuhang nararamdaman ng mga ito, ganyan din nararamdaman nila maging sa maliliit na eskinita at kalye sa kalunsusan kahil sakat ang araw.

Bukod sa preskong hangin, nakalulutang sa hangin ang lirikong tugtugin saan man dako. Idinaraos bawat taon ang "pestibal ng tugtoging pan-tag-init sa Harbin" at sa bawat pestibal ay may espesiyal na palabas sa kahabaan ng Ilog Songhua. Ang palabas sa taong ito ay nagtampok sa panbay na magkakasamang pagtutugtog ng 1001 piano. Ayon sa mga lokal na tao, ito ay isang kosyerto ng piano sa pinakamalaking saklaw sa siglo na ito.

Ang pinakagusto ng mga taga-Harbin sa tag-init ay nagtitipun-tipon sa tabi ng Ilog ng Songhau at habang nag-iinuman ng serbisa'y naghihimay. Mahilig ang mga taga-Harbin sa serbesa at ang lokal na tatak na "Harbin Beer" ay pinakatanda sa Tsina. At higit na kilala sa mga estranghero ang pulang longganisa ng Harbin. Karaniwa'y iuuwi ng mga turista ang mga ito nang matapos ang kanilang paglalakbay sa Harbin.
|