• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-28 17:08:02    
Masasarap na pagkain sa Bayan ng Longmen

CRI

Ang matandang bayan ng Longmen ay may layong 50 kilometro sa timog kanluran ng Hangzhou, punong lunsod ng lalawigang Zhejiang. Ito'y isang tipikal na halimbawa ng tinatawag na water town sa timog pampang ng Yangtze River, pero pambihira dahil napakalayo sa hayag na komersiyalisasyon.

Ang Longmen ay isang maliit na bayan na may kabuuang lawak na 18 kilometro kuwadrado. Ang ilang libong bahay nito ay pawang hugis rektanggulo, na pare-pareho ang sukat at pare-pareho ang kulay. Dahil dito, ang bagay ito ay tila nakalilito kung saan madaling naliligaw ang mga pader, pasilyo at pabilyon ay nagibigay ng impresyon na hinurno sa iisang pugon.

Tuwing may mahalagang okasyon, karaniwang nag-iimbita ang mga mamamayan ng Longmen ng mga kapit-bahay at bisita na kumain sa kanilang bahay, sapagkat ito'y nag-aanyaya ng kasaganaan para sa mga kanilang tahanan sa darating na taon.

Ang Immortal Chicken ay isang tradisyonal na pagkain ng Pamilyang Sun. Niluluto ang manok kasama ng tradisyonal na Chinese Medicinal herbs. Pagkatapos ay sinasahugan ng malalapot na sabaw ng baboy. Sa isang restawran, ang mararap na ilam na ito ay nagkakahalaga lamang ng 40 RMB.

Ang dried bean curd skin sinasahugan ng rape ay isa pang espesiyalidad ng Longmen. Ang makapal at dilaw na piraso ng dried bean curd mula sa lunsod ng Fuyang ay nilulutong may kasamang rape hanggang sa lumambot at magkaroon ng masarap at maanghang na lasa.

Ang Hilsa heering ay palangoy langoy sa Fuchun River, at nabubuhay sa mga ilog man o dagat. Ito'y napakalinanam na isda. Dahil sa mabilis na lumiliit ang bilang ng mga isdang ito nitong nakaraang ilang taon, itinuturing ang hilsa herring na isang pambihirang pagkain. Ang isda ay kadalasang pinasisingawan kasama ng mushiroom, tinadtad na sibuyas at hamon at saka hinahaluan pa ng luya at alak.

Ang pinalambot na karneng baka mula sa Fuyang cattle ay isa pang tradisyonal na pagkain ng Pamilyang Sun. Pagkaraang ibabad sa panimplo, ang baka ay pinalalambot sa isang kaserola na sinasahugan ng iba't ibang sarsa at pampalasa na nagdudulot ng kakaibang lasa.