• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-05 18:32:35    
Si Zhai Zhaoxiu at kaniyang gallery sa nayon

CRI

Kasunod ng pagiging mas mayaman ng pamumuhay ng mga magsasakang Tsino, tumataas nang tumaas din ang kanilang pangangailangang pandiwa. Sa artukuong ito, isasalaysay sa inyo ang isang bagong bagay sa kanayunan ng lalawigang Yun'nan sa timog-kanlurang Tsina—ang gallery sa nayon.

Nang pumasok sa nayong Lou Jiashan ng bayang Zhanyi ng lalawigang Yun'nan, nakita agad ng mamamahayag ang iba't ibang uri ng magagandang larawan sa mga pader na panlabas ng mga bahay: may naglalarawan ng magandang likas na tanawin, may naglalarawan ng abalang-abalang pansaka, may naglalarawan ng pagtatanghal ng mga palatuntunang pansining ng mga magsasaka ……… Kay ganda ng nayon sa palamuti ng mga larawang ito. Isinalaysay ng mga taga-nayon sa aming mamamahayag na ang lahat ng mga ito ay ginawa ng isang babaeng taga-nayong si Zhai Zhaoxiu.

Sino ang babaeng ito at bakit siyang gumuhit ng larawan sa pader? May dalang gayong tanong, patuloy na gumagala sa nayon an gaming mamamahayag at hanggang sa nakasalubong ng isang mga 40 taong gulang na babae na si Zhai Zhaoxiu. Gayon ang sagot niya sa mga tanong ng aming mamamahayag, sinabi niyang:

"Dahil sa epekto ni lolo ko, noong bata pa ako'y mahilig na sa pagguhit. Masasabi, mayroon akong di-maaalis na pakikipag-ugnayan sa pagguhit."

Sinabi ni Zhai na bata pa siya'y, mayroon siyang isang pangarap – pagiging isang guro ng arte. Noong 1985, natapos niya ang kaniyang pag-aaral sa mataas na paaralan at isinakatuparan ang kaniyang pangarap: manusukan siya sa paaralang lokal bilang isang guro sa arte. Pagkatapos nito, nagkamit siya ng diploma sa Chinese painting. Sa panahong iyon, kakaunti ang mga taong may mataas na edukasyon sa kanayunan at mas kaunti pa ang ganitong babae na gaya ni Zhai. Noong 1987, sa paanyaya ng villagers' committee, bumalik si Zhai sa kaniyang nayon bilang kalihim ng lupon at hanggang ngayo'y nananatili siya sa posisyong ito nang 20 taon sa posisyong ito nang 20 taon.

Noong 2005, para ipatupad ang patakaran ng konstruksyon ng bagong kanayunan ng estado, nagkumpuni ang bayang Zhanyi ng mga lansangan sa iba't ibang nayon at pininturahan ang pader ng bahay ng mga taga-nayon. Nang makita ang mga malinis na puting pader ng mga bahay, pumasok sa isip ni Zhai ang isang ideya: baka buwede gawing papel ang pader para sa pagpapakita ng tradisyonal na kultura't sining na kinakikiliwan ng mga taga-nayon. Kinatigan ito ng villagers' committee. Noong Setyembre ng taong 2005, sinimulang gumuhit siya ng larawan sa pader ng bahay ng mga taga-nayon. Sa loob ng 1 buwan, tulu'y tuloy na gumuhit siya ng mahigit 30 larawan. Sinabi ng isang taga-nayon sa aming mamamahayag na sa panahong iyon, si Zhai ay parang isang mahirap na bubuyog na abalang-abala sa pagitan ng mga pader ng mga taga-nayon at nag-iwan siya ng maraming kaligrapiya at pintang Tsino.

Limitado ang kakayahan ng isang tao. Ang maraming larawan sa pader ng nayong ito ay bunga ng pagpakahirap ng maraming tao. Sa panahong iyon, maraming tao ang nagbigay ng tulong kay Zhai. Sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng maraming tao, halos 300 larawan sa pader ang natapos sa loob ng 4 na buwan lamang. Hindi lamang nagpaganda ang mga larawang ito sa buong nayon, kundi nagpataas ng kamalayan ng mga taganayon sa sibilisasyon. Sinabi ng isang taga-nayong si Zhao Dabao na:

"Di-tulad ng dati, hindi na naiinggit kami ngayon sa pamumuhay ng lunsod. Dahil sa pamamagitan ng konstruksyon ng sibilisadong nayon at magaganda't malalamang larawan sa pader, pinataas ang aming kalidad sa pamumuhay at kaisipan at naging mas sibilisado na ang mga tao."

Si Chenli ay isang matadang namumuhay minsan sa nayong ito, nagsadya siya sa nayong ito kamakailan para makita ang mga larawan sa pader. Sinabi niyang:

"Mahigit 40 taon na ang lumisan ako ng nayon at nakito mo mismo ngayon ang napakalaking pagbabago ng nayon. Ngunit ikinagugulat akong malki ay ang mga larawan sa pader. Talahang maganda ang mga ito."