• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-05 19:54:38    
Ang Pilosopiyang Dao

CRI
Ang Dao ay siyang ugat at kaibuturan ng pilosopiya ni Laozi, kaya tinawag itong Daoismo o Taoismo. Ito, pati ang Confucianism at Legalism, ay isa sa tatlong haligi ng kaisipang Tsino.

Ipinalalagay ni Laozi na ang Dao ay siyang palatandaan ng pagbabago at kapaligtaran kaugnay ng pagsilang, paglaki at pagbabago. Pinaniniwalaan niya ang dalawang magkasalungat ngunit nagpupunuang puwersa--ang tinatawag na Yin at Yang--na ginagamit sa lahat ng bagay sa daigdig: ang matigas at malambot, malakas at mahina, mahaba at maigsi, mataas at mababa, at harap at likod. Sinabi niyang "ang anuman at wala ay nagpapalitan, nagpapalitan ang mahirap at madali, nagsusuplingan ang mahaba at maigsi, ang mataas at mababa ay nag-aasahan, at ang harap at likod na nagsusunuran.

Ang kanyang pinakakilalang paradox hinggil dito ay: "Ang magandang kapalaran ay nasa loob ng masama at ang masamang kapalaran ay nagtatago sa loob ng mabuti." Ang pares na ito ng opposites coexist ay ang wala ay maaaring wala ang iba. Pero maaaring manatiling di nagbabago at nagbabago, depende sa pagbabago ng kalagayan tungo sa kabaligtaran nito.

Ang ideyang mayroon at wala, substance at voil, ay isa pang pundamental na aspekto ng pilosopiya ni Laozi. Sinabi niyang ang lahat ng bagay sa sanglibutan ay isinilang bilang substance, na isinilang na walang saysay. Ang substance ay unti-unting umuunlad mula sa pagiging non-existence tungo sa existence, unti-unting nagkakaroon ng lakas at magnitude hanggang umabot sa tugatog, pagkatapos ito'y manghihina, mamatay at magpapanibago. Ito ang walang kamatayang batas ng kalikasan. Kaya ang walang saysay ay pagsisimula at pagtatapos ng lahat ng bagay sa sanglibutan.

Ang mga damo at puno, halimbawa, ay tumutubo, yumayabong, lumalaki at yumayabong mula sa maliit na buto, pagkatapos ay malalanta, mabubulok at mag-iiwan ng mga buto, kaya ang pagtatapos ng cycle ng transpormasyon mula sa pagiging walang saysay tungo sa pagiging substance pabalik sa pagiging walang saysay.