• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-06 21:19:17    
Peking Opera Tune, Chinese Traditional Music

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Samahan natin ang mga mamamayan ng Hong Kong sa kanilang pagdiriwang ngayong gabi ng Ika-10 Anibersaryo ng Pagbabalik ng Hong Kong sa Inang-Bayan. Sabay-sabay nating isigaw: Maligayang anibersaryo, Hong Kong!

Iyan ang ating pambungad na bilang, "Peking Opera Tune", na hango sa album na tinipon ng CRI. Lahat ng mga tugtuging maririnig ninyo ngayong gabi ay buhat din sa nabanggit na album.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito ang inyong loving DJ, Ramon Jr.

Sabi ng bahagi ng liham ni Kristine Reyes ng Lipa City, Batangas: "Sampung taon na rin ang nagdaan sapul nang ibalik ng Britanya ang Hong Kong sa Tsina. Sa sarili kong obserbasyon at opinyon, makakabuti sa Hong Kong ang muling makapiling ang inang-bayan. Mas makapagtutulingan sila sa maraming aspekto dahil iisa lang ang kanilang pinagmulan at isa pa, masasamantala ng Hong Kong ang malaking pamilihan ng China para mapanatili nito ang kanyang status bilang 'leading metropolis of the world' at 'sentro ng kalakalan at komersiyo ng daigdig'. Gusto kong batiin ang Hong Kong sa nabanggit na okasyon."

Thank you so much, Kristine.

Sabi naman ng kay Alicia Castaneda ng Bulacan: "Kuya Ramon, narinig ko sa inyong mga balita ang hinggil sa pagbabalik ng Hong Kong sa China. Naniniwala ako na mapapanatili ng Hong Kong ang imahe nito bilang financial center of the world ngayong ito ay nasa sinapupunan na ng inang-bayan. Lahat ng mga bagay na tinatamasa nito noon ay nasa kaniya pa rin kaya hindi dapat magkaroon ng pagbabago sa takbo ng pamumuhay ng mga mamamayan nito. Happy anniversary sa lahat ng mga mamamayan ng Hong Kong."

Iyan naman ang tugtuging pinamagatang "Come Good Fortune" na mula pa rin sa CRI compilation. Sana nga lapitan tayo ng magandang suwerte.

Sa bahagi naman ng liham ni Chi Chi Mejia ng K. 5, La Trinidad, Benguet., sinabi niya: "...Napasulat ako dahil gusto kong maihabol bati ko para sa occasion ng 10th Anniversary ng Pagbabalik ng Hong Kong sa China. Naalala ko noon na umatend sa turnover ceremony ang Reyna ng UK at matataas na opisyal ng UK. Brilliant ang idea na "one country, two systems". Bagay na bagay sa status ng Hong Kong. Mas lalo itong mapapabuti dahil makukuha nito ang tulong at malasakit ng China. Magko-kompliment sila when it comes to business. Congrats and best wishes sa lahat ng Hong Kong Chinese."

Maraming-maraming salamat, Chi Chi, sa iyong liham.

"Dragon Boat Race to Win" ang pamagat ng tugtuging iyan. Tunghayan naman natin ang ilang SMS.

Sabi ng 917 351 9951: "Mabuhay sa lahat ng Hong Kong residents sa pagdiriwang nila ng anibersaryo ng pagbabalik sa China!"

Sabi naman ng 917 483 2281: "Isang mataos na pagbati sa lahat ng mga kaibigan sa Hong Kong sa Ika-10 Anibersaryo ng Pagbabalik ng Hong Kong sa Mainland."

Iyan naman ang "Dance of Southern Xinjiang at diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig at muli, HAPPY ANNIVERSARY, HONG KONG!