• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-09 14:59:41    
Ang Nanxincang sa Beijing

CRI

Ang Nanxincang ay dating emperyal na tinggalan ng pagkaing butil ng mga dinastiyang Ming at Qing mga 600 taon na ang nakalilipas.

Sa kasalukuyan, naging isa na itong pinakapopular na purok-kultural. Ang purok na ito'y nasa tabi ng Lansangang Ping'an--isang pangunahing linya ng komunikasyon sa kalunsuran ng Beijing. May saklaw itong ilang libong metro kuwadrado.

Ang pangunahing konstruksyon nito'y ang 9 na sinaunang malaking tinggalan ng pagkaing butil. Noong panahon ng kasukdulan nito, umaabot sa mahigit l30 ang tinggalan ng pagkaing butil na may nakaimbak na 50 milyong toneladang pagkaing butil.

Kung ang kasaysayan ng Nanxincang ang pag-uusapan alam na alam ito ni Mr. Zhao Zhiyi, tagapamahala ng Nanxinchang na,

"Noong panahong iyon, may city moat sa labas ng pader ng lunsod. Ang ilog na pumapaligid sa lunsod ay karugtong ng Grand Canal sa pagitan ng Beijing at Hangzhou na bumubuo ng isang kompletong sistemang pantubig. Ang Grand Canal ang siyang pangunahing linya ng transportasyon sa tubig ng Tsina. At dito itinayo ang Nanxincang sapagkat madaling maihakot mula dito ang pagkaing butil sa pamamagitan ng transportasyon sa tubig."

Sa kalagitnaan ng Purok residensyal ng Nanxincang, naruruon ang pinakamatanda at pinakamabuting preserbadong tinggalan ng pagkaing butil. Ngayo'y isa na itong phonograph exhibition and sale center at trial music room na ari ng isang conservatoire club. Sinabi ng tagapamahala ng naturang kompanya na si Miss Shao Donghong na,

"Kung ihahambing ang arkitekturang ito sa napakaraming matandang kastilyo sa Europa hindi mapahuhuli ito. Ipinalalagay naming isa itong kayamanang hindi matutumbasan ang halaga. Kung nasa kamay mo ang mahalagang kayamanan, dapat buong ingat na pangalagaan at pakitunguhan iyon hangga't maaari at galugarin ang kagandahan niyon."