• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-12 11:03:37    
Hinggil sa Dao De Jing

CRI
Ang kalahati ng Dao De Jing ay katapatan sa Dao at ang kalahati ay sa De. Ang Dao ay maaaring tawaging paraan o direksyon at ang De ay kabutihan o moralidad--na siyang landas na dapat tahakin. Sa madaling sabi, ang De ay manipestasyon ng Dao, at ideyal na kalagayan ng isip at pamantayan ng mabuting ugali na dapat angkinin ng mga tao kung tatalima sila sa batas ng Dao, kalikasan at unibersal.

Sinikap ni Laozi na maipaliwanag ang De na ginawang halimbawa ang tubig, na ang kabutihan ay ikinumpara niya sa isang paham. Ang pinakamataas na kabutihan ay tulad ng tubig, na nakabubuti sa lahat ng nilikha sa daigdig, pero walang inaangkin para sa sarili, at nakikipag-agawan ng mga lugar na pinawawalang halaga ng lahat ng tao. Ito ang dahilan kung bakit malapit ang tubig sa Dao.

Ipinaliwanag niya ang Dao sa pamamagitan ng maraming iba pang halimbawa, ang macro concept ng pamamahala ng estado at ang micro matter ng pagpapanatili ng kalusugan. Ikinumpara din niya ang kabutihan ng pamamahala ng isang malaking bansa sa pagluluto ng maliit na isda. Kapag niluluto ang isang isda, dapat itong baligtarin, pero hindi padaskul-daskol kung hindi masisira ang kabuuan nito. Ang pamamahala sa isang bansa ay higit na masalimuot kaysa pagluluto ng isda pero ang saligang ideya ay magkapareho: ang tagapamahala man o ang kusinero ay maaaring kumilos nang may kapusukan; dapat silang tumalima sa aktuwal na batas ng kalikasan.

"Ang governance by non-action" ay kardinal na prinsipyo ng pamamahala ni Laozi. Sinabi niyang "kung hindi gumawa, walang maiiwang hindi nagawa". Pinayuhan niya ang mga nangangasiwa na pigilin ang pagnanasa at kasakiman at iwasan ang paggawa ng pagbabagong sosyal o pagsasamantala sa pagpapatulo ng pawis ng mga mamamayan para sa sariling kapakinabangan.

Sinabi pa niyang hangga't tumatalima sa mga batas at regulasyon ay mapananatili ang pambansang katatagan at seguridad. Nanungkulan sina Emperador Wendi at Jingdi noong Han Dynasty nang alinsunod sa prinsipyong ito na nagkamit ng kapaki-pakinabang na resulta. Ang mabungang properidad ng paghahari ng naturang dalawang emperador ay tinawag na "Wen and Jing Governance".