• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-12 11:06:09    
Magandang Kabuhayan--Interbiyu sa pangalawang alkalde ng Sanya

CRI

Sanya ng Tsina ay isang maliit na lunsod na 37 square km lamang ang sakop nito, pero, sa kasalukuyan, umabot sa di-kukulangin sa 400 miliyong yuan RMB ang karaniwang kita ng turismo bawat taon at mabilis na lumalaki pa ito.

10 taon na ang nakararaan, hindi kilala pa ang Sanya, nguni't sa ilang rehiyon ng lunsod sa kasalukuyan, makikita mo ang maraming taong dayuhan. Idinaos din dito ang sunud-sunod na 3 finals ng Miss World at kauna-unahang finals ng Mr World. Ang namecard ng Sanya ay "Foever tropical paradise".kilalang kilala na ang namecard na ito sa daigdig.

Ano ang lumikha ng milagrosong kabuhayang panturista ng Sanya? Kaugnay ng isyung ito, ininterbiyu naman si Li Boqing, pangalawang alkalde ng Sanya. Sa susunod na ilang minuto'y, ipapaliwanag niya ang magandang kabuhayan ng Sanya.

Sanya ay nasa dulong-timog ng lalawigang Hainan na nasa katimugan ng Tsina sa tabi ng South China Sea at ito ay isang kilalang tropikal na lunsod na panturista.

10 taon na ang nakararaan, kilala lamang ito sa mga manlalakbay sa loob ng Tsina. Bakit? Simple lang ang dahilan: mababa ang konsumo dito. Walang 5 star hotel noon sa Sanya.

Pero, sa kasalukuyan, nagtatayuan saan man ang mga hotel sa mataas na antas at naging isang magandang lugar para sa pagdaraos ng iba't ibang pandaigdig na paligsahan at aktibidad na umakit ng mas maraming turista mula sa apat na sulok ng daigdig.

Bistado ang kariktan ng natural na kapaligiran ng Sanya, pero, inilalin ni alkalde Li ang sarili niyang pagkaunawa sa kariktan nito, sinabi niyang:

"Ipinalalagay ko na nakikita ng tao hindi lamang ang magandang natural na kapaligiran ng Sanya, kinikilala rin nila ang pagkatao nito, ang kagandahan ng konstruksyon ng lunsod, likas na kagandahang ipinakikita sa kultura at kagandahang ipinalalabas mula sa kaibturan ng mga residente ng Sanya. Lahat ng mga ito ang bumubuo ng kagandahan ng Sanya."