• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-13 08:55:36    
Counting the Stars, Are You Falling in Love?, Jacky Cheng

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Kumusta sa lahat ng mga kababayan sa Hong Kong. Katatapos lang ng Celebration ninyo ng 10th Anniversary ng Hong kong Handover. Okay ba ang celebration? Kumusta rin kina Romulo de Mesa ng Marinduque at Sonny Par ng Saudi Arabia. Sana ayos lang kayo diyan. Ako, heto, nagbibilang ng mga bituin.

Iyan si Jacky Cheng na nagbubukas sa ating munting palatuntunan sa awiting "Counting the Stars" na lifted sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"

Mayroon tayong short note mula sa Olongapo. Ang nagpadala ay si Jun Poquis. Sabi ng note: "Kuya Ramon, maraming salamat sa iyo sa pagpapatugtog mo ng mga kinagigiliwan kong tugtugin. Sana ituloy mo pa ang pagpapatugtog mo ng ganitong mga awit para marelaks-relaks naman ang pagod kong isip. Alam mo naman siguro na talagang mahirap ipahinga ang isip. Sa kaso ko, pagod ang katawan at isip pero madali kong naipapahinga ang katawan. Salamat sa Gabi ng Musika.

Salamat sa iyo, tukayo.

Kung nakikinig ang best friend kong si Weng ng Swiss Hotel Beijing, ang susunod na bilang ay para sa iyo.

Ang magkapatid na Richard at Karren Carpenter sa awiting "Superstar" na buhat sa kanilang "Greatest Hits" album.

Thank you, 917 483 2281. Sabi ng kaniyang SMS: "Good evening, loving DJ. Alagaan mo ang iyong kalusugan. Ito ang pinakamahalaga sa lahat at ito ang dasal naming lahat para sa iyo. Take time to relax.

Salamat sa iyo.

Iyan naman ang paborito kong sina Simon and Garfunkel sa awiting "Bridge Over Troubled Water" na buhat sa kanilang "The Definitive Album".

SMS mula sa 919 648 1939: "Salamat, kuya, sa mahalagang impormasyon tungkol sa Yunnan. At least may idea na ako hinggil sa lalawigang ito. Sampung araw din kaming titigil dun. Work-related visit yun. Maganda pala dun. Pinaniniwalaan ko lahat ng sinabi mo.

You are most welcome at salamat din sa iyong SMS.

Iyan naman ang Bee Gees sa kanilang awiting "Don't Forget to Remember" na hango sa kanilang "The Bee Gees Collection" album.

Nagri-request ang isang listener na batiin ko ang boyfriend niya sa birthday nito. Sabi: "Kuya, batiin mo naman ang boyfriend ko sa air. Birthday niya sa July 16. Nakikinig na rin siya sa iyo. Tinuruan ko siyang makinig sa SW.

Thank you. Iyan ay buhat sa 910 944 7601.

Sa July 15 Gabi ng Musika ko siya mababati. Ang July 16 ay Monday kaya hindi ko siya mababati on air sa araw na ito.

Okay, at hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.