• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-16 21:11:42    
Fanqianfanhou, isang restauran ng mga putaheng Taywanes sa Beijing

CRI

Sa loob ng purok residensyal ng Nanxinchang ay may mahigit sa l0 katangi-tanging restaurant, Halimbawa, restauran ng Beijing duck, restaurang Hapones at mga restauran ng putaheng Yunnan at Pranses.

Kabilang dito may isang espesyal na restauran ng Taiwan ang tinatawag na Fanqianfanhou, ibig sabihin ay bago at pagkatapos ng kainan. Ayon sa pagpapakilala ng manager ng naturang restauran na si Mr. Li Yang, nagustuhan nila ang ang pagkahumaling ng emperyal na kamalig, kaya doon nila itinayo ang kanilang restauran. Sinabi niyang,

"Masasabing pambihira sa buong bansa na magbukas ng restauran sa lugar na tigib ng kulay pangkasaysayan at kultural. Nooong matandang kapanahunan, ang kamalig ay imbakan ng mga pagkaibng butil. Mabuti ang lagay ng lupa na nagpapahiwatig ng masaganang ani. Samantalang ang restauran ay lugar ng kainan, ang lugar na pinag-iimbakan ng pagkaing butil ay ginawa naming restaurant. Magkatugma ang pagkahulugan ng dalawa."

Bukod sa mga espesyal na putaheng Taiwanes, ang restaurang ito ay may mahigit sa 10 klaseng pribadong putahe ng mga kilalang tauhan. Para sa mga Tsino, mas masarap ang mga ulam na gawa sa sariling tahanan. Sapagkat ang mga pribadong menu ng ulam ay ang binubuo sa mahabang pagsubok ng ilang henerasyon at nagkasalin-salin sa kasalukuyan. Kung interesado kayo, mangyari pa'y pumarito kayo't tikman ang ulam na iyon.