• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-19 20:16:41    
Sanya, buong sikap na pinauunlad ang industriyang panturista

CRI
Kung paaanong gagawing matagumpay na pag-unlad ng industriyang panturista ang magadang yamang panturista, sinabi ni Li Boqing, pangalawang alkalde ng Sanya na : "Ang susi nito ay pagpapataas ng lebel ng pamamahala sa lunsod at pagpapalaki ng saklaw at antas ng industriyang panturista. At ang buong lakas ng pagpopromote ng Sanya sa daigdig ay isang mahalagang paraan. Nitong ilang taong nakalipas, napakatagumpay ng Sanya sa pagpopromote ng sarili at marketing."

Kaugnay ng marketing, ang pinakakilalang aksyon ng Sanya ay tuluy-tuloy na pagtataguyod ng pinal na paligsahan ng Miss World sa nakaraang 3 taon. "Nagbago ang pagtingin ng mundong panlabas sa Sanya sa nakaraang 5 hanggang 10 taon, at ito ay utang sa pagtataguyod ng mga Miss World pakontese. Mabisang pinataas nito ang digri ng kabantugan ng Sanya. Sinabi niyang :

"Ang pangunahing ideya nito ay pag-ugnayin ang ilang kilalang tatak na pandaigdig at ang Sayan sa pamamagitan ng kultura at palakasan at iba pa."

Ngunit, ipinalalagay ni Li na ang papel ng pagtataguyod ng paligsahan sa antas ng daigdig sa Sanya ay hindi para sa pagpopromote ng lunsod lamang. Sinabi niyang: "Ang mas mahalaga para sa Sanya ay mabisang pagpapataas ng digri ng internasyonatisasyon ng Sanya at pagpapataas ng kompiyansa ng mga mamamayan doon. Ito ay isang pangkasaysayang ambag. Yong mga batang may gayong karanasan ay lipos ng ganap na kompiyansa sa ganda ng Sanya sa lahat ng aspekto ng pumumuhay nang lumaki silang husto."

Hanggang dito, naunawaan na namin ang ibig sabiliin ni Li hinggil sa sinasabi niyang "magandang kabuhayan" ng Sanya, nagnangahulugan itong gawing lakas-pantulak ng kabuhayan ang ganda ng Sanya, pasulungin ang pag-unlad ng lunsod sa pamamagitan ng lakas na ito para itatag ang mas magandang Sanya. Ang pagtatatag ng isang "magandang Sanya" sa lahat ng aspekto ng lipunan ay minimithi ni Li. Bilang panapos, sinabi ni Li na: "Hindi kailanma'y ittigil ang hanguin ng Sanya na pagandahin pa ito."