• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-20 20:38:33    
Marry Me Today, Walang Kasing-Ganda, Jolin Tsai at David Tao

CRI
Magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Salamat sa lahat ng mga nagteteks para ipahayag ang kanilang malasakit at suporta sa inyong lingkod at sa aming Serbisyo Filipino. Mabuhay kayo at God Bless.

Sabi ni Pareng Lucas Baclagon ng Jeddah, Saudi Arabia: "Pareng Ramon, isang Chinese song naman diyan sa iyong opening."

Basta ikaw , pare.

Mula sa album na may pamagat na "Walang Kasing-Ganda", iyan ang awiting "Marry Me Today" nina Jolin Tsai at David Tao.

Sorry nga pala, Pareng Lucas. Hindi natapos ang pag-uusap natin sa phone. Naputol ang linya, eh.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Itong ang inyong loving -DJ Ramon Jr.

May short note si Leah ng Galas, Quezon City. Sabi: "Dear Filipino Service, habang lumilipas ang panahon, lalong humihigpit ang cooperation na Tsino-Pilipino lalo na sa field of smuggling o transnational crime na kinabibilangan din ng illegal drugs. Marami nang drug traffickers ang natimbog dahil sa mahigpit na coordination ng dalawang sides. Sana lumaki pa ang saklaw nito at umabot sa ibang areas."

Chicaco at ang awiting "Color My World" na lifted sa Chicago IX album.

Meron naming reception report mula sa 919 340 0166: "Di lang panahon nakakaapekto sa signal ninyo. Mga ibang istasyon nakakaapekto rin. Ang VOA nakadikit sa inyo sa 12.110 mghz. Nakadikit din ang VOJ."

Thanks sa information.

Iyan, walang-iba kundi si Leah Salonga sa awiting "Nandito Ako" na lifted sa "OPM Greatest Hits" album.

Nagpapasalamat ang 918 800 4357. Sabi ng kaniyang SMS: "Salamat, Kuya, at merong balita sa China, usap-usapan hinggil sa China at mga feature articles hinggil sa buhay, kabuhayan at pamumuhay ng mga Chinese. Nagiging well-informed kami sa China."

Sabi naman ng remarks mula sa 919 651 1659: "Kuya Ramon, lahat ng basic rights ng mga Hong Kongese ay ini-enoy pa rin nila magpahanggang ngayon mula noong isoli ng UK ang Hong Kong sa Mainland kaya hindi dapat magkamali ang iba. Pinatutunayan ito ng mga Pilipino na nangangamuhan at namumuhunan sa Hong Kong."

Salamat sa inyo.

Iyan naman ang Shamrock sa kanilang sariling version ng awiting "Paano" na pinasikat ng Apo Hiking Society. Ang version na iyan ay hango sa collective album na may pamagat na "The Best of Apo Hiking Tribute".

Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang- sawang pakikinig.