• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-23 10:41:19    
Agrikulturang nagtatampok sa pagtitipid sa tubig, kapaki-pakinabang sa mga magsasakang Tsino

CRI
64% ng gamit na tubig ng Tsina ay napupunta sa agrikultura at ang episyenteng paggamit nito ay isang isyung palagiang buong-sikap na nilulutas ng Pamahalaang Tsino. Bilang tugon, nagsimula nang pasulungin ng Tsina ang agrikulturang nagtatampok sa pagtitipid sa tubig, lalung lalo na sa dakong hilaga ng bansa kung saan kapos na kapos sa yamang-tubig.

Si Liu Xingliang ay isang 65-taong-gulang na magsasaka mula sa Dongliang, isang nayon sa Lunsod ng Zhaoyuan ng Lalawigang Shandong at nangangalaga siya sa isang taniman ng ubas na may saklaw na mahigit 30 hektarya.

Pagpasok sa kanyang ubasan, makikita ang maliliit pero mahahabang tubong goma sa ibabaw ng mga puno ng ubas at ang mga tubong ito ay may maliliit na butas. Tumatagas sa lupa ang tubig mula sa mga butas. Ito ang pinakasulong na teknolohiya ng patubig sa daigdig na tinatawag na drip irrigation. Kaugnay nito, sinabi ni Liu na:

"Episyente ang teknolohiyang ito sa pagtatanim ng ubas. Salamat dito, nasisipsip ng mga puno ng ubas ang pinakamaraming abonong kemikal na masisipsip ng mga ito at nakakatipid pa sa tubig. Bukod dito, tumataas sa 120 kilogramo mula sa 60 ang karaniwang produksyon bawat hektarya."

Pero, mataas ang halaga ng mga pasilidad ng drip irrigation at hindi abot ng lukbutan ng mga magsasakang Tsino ang mga ito. Upang mapalaganap ang naturang teknolohiya, buong-sikap na pinasusulong ng Pamahalaang Tsino ang pagtutulungan sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng produktong agrikultural at mga pamahalaang lokal.

Halimbawa, magkasamang namuhunan ang FHTK, isang bahay-kalakal mula sa Singapore at Pamahalaan ng Dongliang, nayong kinaroroonan ni Liu, sa pasilidad ng patubig ng ubasan ni Liu. Bumibili naman ang bahay-kalakal ng mga ubas at nagluluwas ng mga ito sa ibayong dagat at nang sa gayon, kapuwa nakikinabang dito ang bahay-kalakal at magsasaka.