• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-26 17:32:11    
Libingan ni Fu Hao

CRI

Ang libingan ni Fu Hao ay matatagpuan sa gawing silangan ng Yin Ruins. Dahil isa ito sa mga pambihirang pangyayari na hindi nanakawan ang isang matandang libingan, maliwanag ang identidad ng may-ari nito.

Ang maliit na tomb chamber ni Fu Hao ay naglalaman ng kanyang mga pang-araw-araw na gamit. Nakahukay dito ang mga arkeologo ng 1928 burial object, na kinabibilangan ng 400 bronese, 750 bone vessel, gayun din ng maraming bone, ivory, pottery at sea shell artifact, at 6800 shell na pawang mga legal tender noong panahon ng Shang Dynasty. Kalahati ng mga bronze vessel ay may nakaukit na pangalan ni Fu Hao.

Kabilang dito ang napakahalagang triple yan--isang matandang lalagyan na ginagamit sa pagpapakulo at pagpapasingaw, na may bigat na 138 kilo. Nakahukay pa sa ibang lugar ng single yan, pero ang triple Fu Hao yan ang siyang tanging ganitong uri na natagpuan hanggang sa kasalukuyan. Kung titingnan ang bigat at laki nito, ginagamit ito para sa mga seremonial at divinatory purposes kaysa para sa pagluluto. Ang pagkakatuklas sa naturang yan ay nagpatunay sa jiaguwen records na pinanguluhan noon ni Fu Hao ang mga seremonya ng pagsamba at divination.

Nakakuha din sa libingan ni Fu Hao ng apat na bronze mirror, apat na bronze yue (sinaunang battle axes) at mahigit 130 pang bronze weapon, na ang ilan sa mga ito't ginagamit sa mga labanan.

Ang isa sa mga yue ay may habang 40 sentimetro, may lapad na 38 sentimetro at may bigat na 9 kilo. Iyo'y may ukit ng pangalan ni Fu Hao at ng mga larawan ng dalawang tigreng naglalabanan para sa isang ulo ng tao. Kung titingnan ang bigat at disenyo nito, ang battle-axe ay simbolo ng kapangyarihang militar ni Fu Hao sa halip na isang sandatang talagang ginagamit, at tunay na sagisag ng kataas-taasang kautusan upang pamunuan ang mga operasyong militar na iginawad ng Shang King kay Fu Hao.