• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-26 17:32:33    
Ang kuwento ng mga sundalong pamayapa ng Tsina sa Liberia

CRI

Bilang isa sa mga pirmihang kasaping bansa ng UNSC, palaging kumakatig at aktibong lumalahok ang Tsins sa mga aksyong pamayapa ng UN sa iba't ibang lugar ng daigdig. Mula noong 1992 hanggang Enero ng taong ito, magkakasunod na lumahok ang Tsina sa 15 aksyong pamayapa ng UN at nagpadala ng mahigit 6 na libong person time na tauhan. Sa artikulong ito, isasalaysay ang kunwento ng sundalong pamayapa ng Tsina sa isang bansang Aprikano – Liberia.

Si Yu Changzhong ay isang doktor ng isang ospital na militar ng Tsina. Noong Pebrero ng taong 2006, pinili siya bilang isang kasapi ng grupong Tsino para sa paglahok ng aksyong pamayapa ng UN sa Liberia. Nang malaman ang mensaheng ito, bukod sa pagkatuwa, medyo kinakabahan din siya. Dahil kapos siya ng sapt na pagkaunawa sa kalagayang panseguridad at mga sakit na tropikal at mayroon din siyang hadlang sa wika. Sa panahong iyon, medyong ninenerbiyos si daoktor Yu. Ngunit, pagkaraan ng mahigit 1 buwang pagsasanay sa aspektong pisikal, militar at pangwika, naging kuwalipikado ang lahat ng 42 doktor na Tsino na kinabibilangan ni Yu. Sinabi niyang:

"Pagkaraan ng mahigit 30 araw na pagsasanay, naghandang mabuti kaming lahat sa maraming isyu. Inanyayahan din ang mga may karanasang tauhan para isalaysay ang tunggol sa mga kalagayang panseguridad doon, tungkulin namin at iba pa. Sa kalahatan, bago ang pagtulak, lipos ng kompiyensa kami."

Noong April ng taong 2006, pumunta sa Liberia ang grupong medikal ng Tsina na binuo ni Yu at ng kaniyang 42 kasama para sa pagsasagawa ng tungkuling pamayapa. Sa Liberia, bukod sa pagbibigay ng medikal na serbisyo sa mga sundalong pamayapa ng UN, naglilingkod rin ang mga doktor na Tsina sa mga residenteng lokal. Dahil sa kanilang namumunod na linkod, ginawaran din sila ang UN Peace-keeping Medals.