• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-27 14:27:19    
Magmamahal sa Iyo Hanggang Kamatayan, Shin Band, Shin Band

CRI
Magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Sabi ni Randolph ng Baguio City matuto raw tayo sa mga langgam. Kung summer nagtitinggal na sila ng pagkain para nga naman pagdating ng tag-ulan wala na silang problema. Hindi na sila kailangang lumabas pa.

Correct na correct ka diyan.

Shin Band at ang awiting "Magmamahal sa Iyo Hanggang Kamatayan" na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino.

Mula sa album na "Super Girl 2006", iyan ang awiting "Umawit Nang Malakas at Malinaw" ni An Youqi.

Sabi ng short note ni Fely ng Carmona, Cavite: "Kuyang, lagi-lagi pakikinig ko sa programs mo. Alam na alam ko simula ng Dear Seksiyong Filipino, Alam Ba Ninyo, at Gabi ng Musika . Nakikinig ako sa mga balita para malaman ko kung ano na ang kasalukuyang nangyayari sa China. Nakikinig ako sa mga espesyal na programa para malaman ko kung ano ang mga dapat bisitahin sa China. Ang mga programa mo naman kung Sabado't Linggo ay nagbibigay ng tunay na inspirasyon sa akin. Pagpalain kayo."

Salamat sa iyo, Fely.

Iyan naman ang tambalang tinig nina Sun Nan at Han Hong sa awiting "Magandang Alamat" na original soundtrack ng pelikulang "Alamat".

SMS mula sa 921 378 1478: "Relasyon ng Pilipinas at China habang tumatagal lalong tumitibay. Relasyon ng Pilipinas at China habang tumatagal lalong tumatatag. Relasyon ng Pilipinas at China maliwanag ang bukas, maliwanag pa sa sikat ng araw.

Thank you so much.

Lam Junjie at ang awiting "Pagkaraan ng Isang Libong Taon" na buhat sa album na pinamagatang "Number 89757".

At hanggang diyan na lang ang ating pagtatanghal sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.