• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-30 20:54:44    
ASEAN: 40 Taong Maluningning at Mahigpit na Pag-uugnayan

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007.

Ngayong gabi, sa bahaging ito ng ating programa, ibabahagi ko sa inyo ang written remarks ng ilang tagapakinig hinggil sa idinaraos na 40th ASEAN Ministerial Meeting, Post-Ministerial Conferences at 14th ASEAN Regional Forum. Ang nabanggit na mga pagpupulong ay naka-iskedyul mula Ika-29 ng Hulyo hanggang Ika-2 ng Agosto.

Sabi ni Jim Israel ng La Loma, Kalookan City: "Una sa lahat gusto kong batiin ang mga VIP na dadalo sa AMM at ARF. Kasama rito si Foreign Minister Yang Jiechi ng China, Condoleeza Rice ng Amerika, Javier Solana at 15 iba pa - pati Timor Leste.

Ayon sa ilang sources, ang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN ay isang regular na pulong na idinaraos tuwing buwan ng Hulyo at ito ay nagpapalipat-lipat ng bansa. Ngayong taon, Pilipinas ang venue.

Sana mapanatili ng ASEAN ang higpit ng kanilang samahan dahil sa kalakaran ng mundo ngayon na ang matitira ay iyong matitibay at iyong malalakas ang mabubuhay, walang puwang ang pagkakawatak-watak. Maraming problema ang malulutas kung lahat sila ay magtutulungan.

Ito ang wish ko: Sana ang resulta ng kanilang pulong ay maramdaman ng pinakamahirap na mamamayang ASEAN.

Sabi naman ni super- DJ Happy, "Ngayong taon, partikular na sa August 8, ipagdiriwang ng ASEAN ang Ika-40 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag nito Ang ASEAN na may humigit-kumulang 500 milyong populasyon ay nagsisilbing malakas na socio-economic power sa bahaging ito ng mundo. Masasabi na rin nating mahigpit at maningning ang kanilang pag-uugnayan sa loob ng nagdaang 40 taon sapul nang simulang itatag ng Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore at Thailand noong 19676. Hindi dapat lubayan ng ngayon ay sampung miyembro ng ASEAN ang kanilang pagsisikap na malutas ang mga problemang kinakaharap ng rehiyon.

Sabi naman ni Mark Ziemmerman ng Sta. Ana: "Natutuwa ako na parami nang parami ang mga bansang sumasali sa ASEAN Regional Forum. Ngayong taon, for the first time, sumali ang Sri Lanka. Natutuwa din naman ako at naroon din ang Timor Leste. Sana tutukan nila ang mga nakakabagabag na isyu na tulad ng drug trafficking, human trafficking, smuggling at terrorism."

Maraming salamat sa inyo, Jim, Happy at Mark.

Ngayon, tunghayan naman natin ang mga mensaheng pambati ng ating textmates.

Mula sa 919 302 3333: "Mabuhay and more power sa ASEAN sa okasyon ng anibersaryo nito!"

Mula sa 917 401 3194: "Isang masigabong palakpak sa lahat ng participants sa AMM, Post-Ministerial Confab. at ARF! Have a pleasant stay."

At mula naman sa 915 807 5859: "Sana maging matagumpay ang mga pulong sa PICC! Good luck sa participants!"

Tingnan naman natin kung ano ang laman ng liham ni Lindsay Robledo ng R. R. Landon, Cebu City. Sabi ng liham:

Dear Kuya Ramon,

Hindi ko kaagad nasagot ang sulat mo kasi may ilang bagay akong ginawa at medyo naging abalang abala ako. Hindi ko naman pinalalampas ang inyong mga programa lalo ngayong hindi ito mahirap hanapin sa dial. Bale tatlong lugar sa dial ang pinagpipilian ko.

Parang sinasadya ng pagkakataon na ang pagdaraos sa Pilipinas ng ASEAN Ministerial Meeting ay natapat sa panahon ng pag-e-enjoy ng Pilipinas ng mataas na GDP. Ito ay isanag onor sa Pilipinas na siyang Chairman ng ASEAN Standing Committee. Inaasahang mapapag-usapan ng mga Ministro ng Ugnayang Panlabas ng ASEAN ang pinakahuling kalagayan ng pinagsusumikapan nilang itatag na ASEAN Commumity; ma-assess ang progress ng pagpapairal ng Viantiane Action Plan at Action Plans para sa ASEAN Security Community, ASEAN Economic Community at ASEAN Socio-Cultural Community. Kung mari-realize ang lahat ng ito, ang ASEAN ay magiging parang isang malaking bansa sa pagsasama-sama ng kanilang resources. Sana magtagumpay sila rito.

Gaya ng nasabi ko, lagi akong nakaabang sa inyong mga balita at usap-usapan para sa pinaka-latest sa Tsina at daigdig. Walang ibang istasyon na detalyado ang mga balita hinggil sa China maliban sa China Radio International. Maganda rin ang mga naiisip ninyong program na tulad ng Cooking Show, pagbabasa ng letters at text messages at pakikipag-usap sa telepono sa mga tagapakinig. Nakakalibang ang inyong Gabi ng Musika. Gusto ko ang mga sentimental songs na pinatutugtog ninyo. Marunong kayong pumili. Nagkaka-interes na rin ako sa Chinese songs.

Sana magpatuloy sa paglawig ang inyong broadcast at dumami pa ang inyong programa kasabay ng pagdami ng mga tagapakinig.

God bless..

Lindsay Robledo
R. R. Landon Ext.
Cebu City, Phils.

Maraming salamat sa iyong liham, Lindsay. Wala kang dapat alalahanin. Nauunawaan namin kung bakit hindi ka nakakatugon sa aming sulat. Hindi iyan big deal. Thank you uli at sana magpatuloy ka ng pagsubaybay sa aming mga programa kahit hindi ka nakakasulat.

Iyan ang kabuuan ng ating pagtatanghal ngayong gabi. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.