• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-07-31 20:41:24    
Stuffed Fried Crabs

CRI

Mga sangkap

2 buhay o lutong alimango
3 kutsarang breadcrumbs
1 dried black mushroom, iyong ibinabad at hinimay
1 spring onion, tinadtad nang pino
1 kutsara ng tinadtad-nang-pinong celery
1/2 kutsaritang asin
White peppe
Ilang patak ng sesame oil
1 itlog, binati nang kaunti
1 kutsaritang harina at
Mantika para sa pagpiprito

Paraan ng pagluluto

Kung buhay na alimango ang gagamitin ninyo, pakuluan ito sa maraming tubig sa loob ng 10 minuto. Pagkaluto, dahan-dahang tanggalin ang shell sa likod tapos itabi.

Tanggalin ang lahat ng laman sa katawan, paa at sipit ng alimango. Siguruhin daw na walang matitira ni kapiraso mang bony tissue. Pira-pirasuhin nang manipis ang crab meat tapos haluan ng seasoning at itlog. Hati-hatiin ang mixture tapos ipalaman sa crab shells. Budburan ang ibabaw ng kaunting harina.

Mag-init ng maraming mantika sa kawali at iprito ang stuffed crabs sa loob ng isa o dalawang minuto hanggang maging golden brown.

Sa pagpiprito, dapat daw iyong parteng may harina ang nasa ilalim. Pagkaprito, puwede na ninyong i-serve. Samahan daw ng chilli sauce sa pagsisilbi.