|
Masyadong maibigin ang mga Mongolian. Kung may darating na mga bisita, ipaghahanda nila sila ng pinakamagandang ulam, halimbawa ng mantikilya at inihaw na buong tupa.
Asul na langit, puting ulap, berdeng damuhan, kawan ng kabayo, ang lahat ng mga ito ang bumuo ng isang katangi-tanging masikit na tanawin na makikita lamang sa Inner Mongolia.
Kung gusto mong malaman ang mas maraming kultura ng nasyonalidad ng Mongolia, karapat-dapat kayo lumahok sa kapistahan ng Nadamu na idaraos sa bawat rehiyon ng Inner Mongolia bawat tag-init at tag-sibol.
Nagtitipun-tipon ang mga pastol at nagsasagawa ng pakikipagbuno pamamana at lahat ng mga ito ay kabayong pangarera, may mahigpit na ugnayan ang naturang mga aktibidad sa tradisyon ng nasyonalidad ng Mongolia nitong ilamlibong taon.
Ngayon tag-init, itataguyod ng rehiyong awtonomong ito ang maringal na aktibidad para ipagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng pagtatatag. Idaraos ang mahigit 70 aktibidad sa iba't ibang lugar ng Inner Mongolia na pinagsama ng makulay na pagliliwiliw sa daluhan at bikasyon.
Kaugnay ng naturang aktibidad, sinabi ni Yun na,
"Hanggang sa panahong iyan, magkakasunod na idaraos ang ika-4 pandaigdigang kapistahan ng kultura ng damluhan ng Inner Mongolia, ika-18 Nadamu, kapistahang pansining ng mga kasuutan ng nasyonalidad ng Mongolia at iba pang aktibidad."
Kung gusto mong malaman mismo ang kaugaliang lokal ng Inner Mongolia, at pansamantalang iwasan ang abala-abalang pamumuhay sa lunsod, ang rehiyong awtonomo ay isang mabuting destinasyon. Sasalubungin ng mga kababayan ng Inner Mongolia ang mga bisita mula sa iba't ibang lugar ng daigdig sa pamamagitan ng mahusay na sayaw at mabangong alak.
|