• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-02 19:59:32    
Tropang pamayapa ng Tsina sa Liberia, buong sikap na naglilingkod sa lokdalidad

CRI
Sa Liberia, liban sa nasabing grupong medikal ng Tsina, nagbibigay din ang mga inhenyerong sundalong Tsino ng ambag para sa kapayapaan ng lokalidad. Ang pangunahing tungkuling nila ay pagtatayo at pangangalaga sa mga lansangan. Dahil sa mahabang digamaang panloob ng Liberia, napakasama ng kalagayan ng mga lansangan. Mahirap na mahirap ang tungkulin ng mga inhenyerong Tsino. Salamat sa kanilang walang humpay na pagsisikap, pinabuti nang malaki ang kalagayan ng mga lansangan ng Liberia. Lubos na pinasalmatan ng mga opisyal lokal ang mga inhenyerong Tsnio sa kanilang malaking ambag sa konstruksyong lokal. Kaugnay nito, sinabi ni Christopher Bailey, puno ng lalawigan ng Grand Gedeh na:

"Pinasalamatan namin kayong lahat – mga inhenyerong Tsino. Napakaganda ng aming relasyon. Mahal sila namin, parang kamag-anak namin."

Iba sa nasabing dalawang grupong Tsino, ang tungkulin ng grupong pantransporte ng tropang pamayapa ng Tsina sa Liberia ay baha sa lahat ng tropang pamayapan ng UN sa Liberia. Kailangang maghatid sila ng maraming meteriyal bawat araw. Dahil kung lumitaw ang problema sa paghahatid, posibleng hahantong ito ng ng pagpatid ng pagsuplay ng tubig-inumin, pagkain o panggatong sa ilang daan at maging ilang libong tao. Lubos na pinapurihan ni C.I. Obiakor, komander ng United Nations Mission in Liberia, ang mga ambag na ibinigay ng mga sundalong Tsino. Sinabi niyang:

"Malaki ang ambag na ibinigay ng mga sundalong Tsino. Palagiang sinasabi ko sa mga kasama kong kung walang pagsisikap ng grupong pantransporte ng Tsina, hindi normal na tumatakbo ang aming buong hukbo."

Hindi lamang sa Liberia, mayroon ding mga sundalong pamayapa ng Tsina sa Congo (Kinshasa), Sudan, Lebanon at iba pang bansa't rehiyon. Sa kasalukuyan, mahigit 1.5 libong tauhang pamayapang Tsino ang nagsasagawa ng tungkuling pamayapa sa 9 na rehiyon pangtungkulin.