Magandang-magandang gabi. Ito si Ramon Jr. para sa Gabi ng Musika.
Mabuti ipinaalala sa akin ng isang tagapakinig na merong mahalagang pagpupulong sa Philippine International Convention Center. Halos nawaglit sa isip ko. Anyway, welcome sa delegates to the 40th ASEAN Ministerial Meeting at 14th ARF. Sana maidaos ninyo ang pulong nang walang sagabal.
Mula sa album na pinamagatang "Unlimited", iyan ang awiting "Neverland" ng F. I. R.
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino.
Alam ba ninyo kung sino ang nagpaalala sa akin na may mga komperensiya sa PICC? Si Manuela ng 917 401 3194. Sabi ng kanyang short note: "Wala akong gaanong idea tungkol sa Post-Ministerial Meeting o meeting ng ASEAN Heads of Foreign Affairs. I just hope magkakaroon sila ng pragmatic resolution sa current issues lalo na sa trade kasi maraming complaints sa trade globalization. Lugi daw ang local industries dito."
Thank you, Manuela. May point ka.
The Minstrels, tampok ang mga tinig nina Rey-An Fuentes at Tillie Moreno, sa awiting "Umagang Kay Ganda" na hango sa "OPM Greatest Hits" Album.
Meron ding remarks si Roxanne Rombawa ng San Juan hinggil sa ASEAN Ministerial Meeting at Regional Forum. Sabi niya: "Talagang dapat maupo sa round table ang mga Foreign Ministers ng ASEAN at kanilang partners kasi maraming problema ngayon sa region. Sana maipokus nila ang kanilang pansin sa bilateral trade kasi malaking problema iyan at terrorism na isa pa ring sakit ng ulo ng mga bansa na tulad ng Philippines."
Salamat sa iyong remarks, Roxanne.
Kasing-ganda rin ng original, ha? Iyan ang version ni Piolo Pascual ng awiting "Miss Universe ng Buhay Ko" na kinatha at pinasikat ng Hotdog.
Bigyang-daan naman natin ang SMS ng 917 483 2281. Sabi ng mensahe: "Mabuhay sa mga delegates sa ASEAN Ministerial Meeting at ASEAN Regional Forum. Balita ko kasama rito si Condoleeza Rice. Hoping for the best!"
Thank you.
Sabi naman ng 928 016 8843: "Thank you, Kuya Ramon. Natanggap ko na ang reply mo. You are just wonderful. Almost regular na ang pakikinig ko sa Gabi ng Musika. Lagi akong excited. Ayokong ma-miss ang voice mo."
Salamat din sa iyo.
Sarah Geronimo sa awiting "I Still Believe in Loving Your" na buhat sa collective album na "You Are the One".
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating programa ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|