• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-03 19:52:08    
Pinabubuti ng Beijing ang pangangalaga sa seguridad ng mga himnasyo ng Olympic Games

CRI
Sa panahon ng paghahanda at pagdaraos ng Beijing Olympic Games na siyang pukos ng pansin ng daigdig, napakahalaga ang pangangalaga sa seguridad ng mga himnasyo ng paligsahan. Ipinahayag kamakailan sa Beijing ng tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games na naging mabunga ang mga gawain sa pangangalaga ng seguridad ng konstruksyon ng mga himnasyo ng Beijing Olympic Games at masiglang pinasusulong din ang mga gawain sa pangangalaga ng seguridad pagkatapos maitayo na ang mga himnasyo.

May 31 himnasyo ng paligsahan ng Beijing Olympic Games, 45 nagsasarilinang lugar ng pagsasanay at 5 instalasyong may kinalaman sa Olympic Games na kinabibilangan ng State Conference Center. Isang mahalagang tungkulin sa mga gawain ng paghahanda ng Beijing Olympic Games ang pagtiyak sa seguridad ng mga konstruksyon para maiwasan ang pagsasapanganib ng terorismong pag-atake at iba pang mapanganib na elemento. Sa kasisimula pa lamang konstruksyon ng mga himnasyo ng Beijing Olympic Games ay nagtatag na ng mga koordinadong Grupo ng gawain sa pangangalaga sa seguridad ng Beijing Olympic Games. Ang Security Commad Center na nasa ilalim ng nabanggit na koordinadong grupo ang siyang mananagot sa mga gawain ng seguridad ng konstruksyon ng mga himnasyo ng Olympic Games.

Noong Abril 4 ng taong ito, nagdaos sa Beijing Olympic Press Center ng news briefing hinggil sa kalagayan ng pangangalaga sa seguridad ng kinatatayuan ng mga konstruksyon ng mga himnasyo ng Beijing Olympic Games. Ipinahayag sa News Briefing ni Mr. Liu Xiaowu, pamalagiang pangalawang direktor ng tanggapan ng Koordinadong grupo sa pangangalaga sa seguridad ng Beijing Olympic Games at ministro ng public security daparment ng Komite ng Pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games na pinagpupursigehang layunin ng naturang koordinadong grupo ang pagkakaroon ng "Matiwasay na Olympic Games". Tiyaking ligtas at walang sagabal na matapos ang mga pangunahing estruktura ng konstruksyon ng Olympic Games na siyang pukos na pinagtutuunan ng pansin ng daigdig. Kabilang dito ang State Gymnasium "Bird Nest" at ang State Natatorium "Water Cube". Sa gayo'y natupad na ang unang yugto ng gawain sa pangangalaga sa seguridad ng konstruksyon ngOlympic Games. Sinabi pa ni Liu Shaowu na,

"Nang matagumpay na natamo ng Beijing ang karapatan sa pagdaraos ng ika-29 na Olympic Games, naging kauna-unahang tungkulin sa mga gawain ng paghahanda ng Olympic Games ang pagtatayo ng mga konstruksyon ng mga himnasyo ng Olympic Games at naging pangunahin ding tungkulin ng mga gawain ds pangangalaga sa seguridad ng Olympic Games ang pagtiyak sa kaligtsan ng mga konstruksyon ng mga himnasyo ng Olympic Games."