• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-06 15:15:48    
Ang mga mongheng marsyal ng Templong Shaolin

CRI

Ang batuta ay itinuturing ng Templong Shaolin na tunay na simbulo ng martial arts at ang paggamit ng batuta ang siyang higit na sumasagisag sa Shaolin Wushu. Ilang siglo pagkaraang gumamit ng mga simple pero epektibong sandata ang 13 monghe ng Shaolin sa pagligtas kay Li Shimin, ika-2 emperador na ang kaharian ay mula 627 hanggang 650 ng Dinastiyang Tang (618-907), ang "Reserbang Puwersa" ng mga monghe ng Shaolin ay gumamit ng mga bakal na batutang may 2 metro ng haba at 15 kilo ang bigat sa pagpapataboy sa mga pirata sa kahabaan ng silangang baybayin ng Tsina.

Pinahihintulutan ng Budismo ang paggamit ng batuta, sapagkat minabuti pang lupigin ang kaaway kaysa sa puksain ang kaaway. May isang kasabihang Tsino: "Ang isang sibat na dumaluhong sa isang hanay ay makapapatay ng isang kaaway, samantalang ang paghampas ng isang batuta ay kaya nitong patumbahin ang maraming kalaban."

Ang mga propesyonal na tauhan ng lahat ng paaralan ng wushu ay nag-aaral ng alituntuning moral na ang buod ay mga kabutihan ng kagandahang-loob, katarungan, pagkamagalang, karunungan at pagkamatapat. Ang esensiya ng alituntuning ito'y naipapahayag sa salawikaing: "Matuto muna ng pagpipitagan bago matuto ng kakayahan at matuto muna ng kagandahang-asal bago magsanay ng martial arts."

Nag-aaral ng disiplina ang mga monghe sa Templong Shaolin sa pamamagitan ng pagtupad sa tinatawag na 10 di-matatanggap na trainee, 10 pagbabawal sa masasamang kaugalian at 10 kabawalan.

Ang 10 di-matatanggap na trainee ay yaong mga magaslaw ang kilos, di-matapat di-nagmamahal sa magulang, walang pagtitiyaga, walang matibay na kalooban.matuso at walang pinag-aralan, may kabastusan, kasalaulaan at walang karangalan.

Ang 10 ipinagbabawal na masamang kaugalian ay ang katamaran, kahambugan, walang tiyaga, kalabisan, hedonismo o labis na pagpapakasarap sa buhay, kapalaluan, pagkakalat ng bulung-bulungan, pagbabalatkayo, kawalang-galang sa guro at mapang-api.

Ang 10 kabawalan ay may kinalaman sa pagsuway sa 10 ipinagbabawal na masamang kaugalian, ang ilan ay itinturing na pagbabawal sa pagnanakw, walang dahilang awayan at pagsuway sa mga imperyal na kautusan. Ang huli ay nagpapaalaalang ang mga monghe ay may nakatakdang tungkuling ipagtanggol ang bansa at mga mamamayan sa panahong nilulusob ito.