• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-06 15:16:07    
Tsina, buong sikap sa pangangalaga sa maiilap na hayop

CRI
Noong ika-21 ng April ng taong ito ay Araw ng Mundo. Sa araw na ito, dalawang Chinese Sturgeon na tinatawag na national treasure sa tubig ang inihatid mula sa Beijing pauwi sa kaniyang lupang tinubuan--Jingzhou ng lalawigang Hubei na 1300 kilometro ang layo sa Beijing.

Ang Chinese Sturgeon ay isang uri ng mga sinauna't bihirang isda at isa sa mga pinakatandang vertebrate animal at hanggang sa kasalukuyan, namumuhay na sila nang mahigit 140 milyong taon sa mundo.

Noong ika-21 ng April ng taong ito, pagkaraan ng pagsisikap ng iba't ibang panig, pinal na ibinalik sa Ilog Yangtze ang dalawang Chinese sturgeon. Ipinahayag ni Fan Xiaojian, pangalawang ministro ng agrikultura ng Tsina na sa kasalukuyan, mabilis na lumiliit ang bilang ng mga wild Chinese sturgeon, napakalaki ng katuturan sa artipisiyal na pagpapalaki at pagpapabalik sa likas na kapaligiran ng mga Chinese sturgeon. Sinabi niyang:

"Tuwang-tuwa ako nang makita na bumalik ang gayong malaking Chinese Sturgeon na mahigit 450 kilo ang bigat nito sa sarili niyang lupang-tinubuan. Ang muling pagkabalik nito sa kalikasan ay nagpapakita ng ideya ng may harmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan."

Ang dalawang Chinese Sturgeon na ito ay magkahiwalay na nahuli sa upper and middle reaches ng Ilog Yangtze noong taong 2005 at 2006. Dahil mahina sila pagkaraang kunan sila nang artipisyal ng mga itlog sa Jingzhou, inihatid sila sa Beijing Aquarium na may napakagandang kondisyon.

Salamat sa masusing pangangalaga ng mga tauhan ng Beijing Aquarium, unti-unting bumubuti ang kalagayang pangkalusugan ng dalawang Chinese Sturgeon na ito. Ngunit para sa mga mailap na hayop, ang aquarium ay hindi isang ideyal na lugar para sa kanilang pamumuhay sa mahabang panahon, ang kalikasan ay kanilang tunay na tahanan.