• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-08 14:59:02    
Opisiyal na pelikula ng Beijing Olympics, nagsimula nang gawin

CRI

Ayon sa plano, ang production unit ay magkakahiwalay na magsasadya sa limang kontinente sa Marso ng susunod na taon para kunan ng larawan ang 6 na grupo ng mga atleta para ipakita ang paghahanda ng mga manlalaro ng iba't ibang bansa sa apat na sulok ng daigdig sa paglahok sa Olimpiyada at ang mga kuwento nilang may kaugnayan sa Olimpiyada.

Inihayag ni Wu Qi, producer ng pelikula na nais nilang bigyang-diin ang marubdob na mithiin ng buong sandaigdigan sa harmonya ng mundo. Sinabi niya na,

"Hindi isang hungkag na konsepto ang harmonya at ito ay nagsisilbing makatiis sa eksistensya ng iba't ibang uri ng bagay. Ang diwa ng Olympic Games ay isang konsepto na nagpapakita ng gayong pagkamapagtitiisan."

Kaugnay ng kung papaanong iapapkita ang kulturang Tsino sa pelikulang ito, ipinahayag ni Wu Qi na buong sikap na ipapakita nila ang buong hitsura ng Tsina sa mga aspektong gaya ng musika, desenyo sa simula ng pelikula at taktika.

Magpahayag ang IOC at tagapag-organisa ng Olympic Games ng Beijing ng marubdob na pag-asa sa nabanggit na pelikula at manunungkulan si Bud Greenspan, bantog na direktor ng Estados Unidos sa daigdig bilang tagapayo ng pelikulang ito.