Isinasagawa pa hanggang ngayon sa Yanjing ang kinagawian nang paraan ng pagpapatuyo ng asin sa hangin. Mayroon pa ngayong mahigit sa 300 magbubukid na nagpoprodyus ng asin sa 3 bayan sa Mangkam County. Nagtatrabaho sila sa 2800 bukirin ng asin. Ang mga primitibong paraan ng produksyon, sa papaanuman ay mababa ang bolumen ng produksyon.
Habang nagiging kombenyente ang ang transportasyon at may makabagong lohistiko, nakapagsusuplay ang pamilihan sa lokalidad ng pinong asin. At nagdulot iyon ng pagkakataong mapaunlad ang kinagawiang teknik sa pagprodyus ng asin na may ilang henerasyon nang nasasapul ng kababaihang Naxi sa purok na iyon.
Ang Yanjing ang siyang lugar na kinatitirikan ng kaisa-isang simbahang katoliko sa Tibet. Itinayo iyon ng isang misyonaryong Pranses noong huling dako ng ika-19 na siglo. At nagkataong kinukumpuni iyon nang dumalaw ako doon. Sinabi sa akin ng paring nakatira sa simbahan na may mga 800 katoliko Romano sa purok na iyon, samantalang nagkakasundo sa pakikipamuhayan ang Budismo at Katolisismo.
Ang aming work group ay nanirahan sa lambak Quzeka sa tabi ng Ilog Lancang, mga 10 kilometro ang layo mula sa Yanjing. Maraming maraming mainit na bukal doon. 108 bukal ang kinikilala na ang temperatura ay 20 to 80 degrees Centigrade. Ang tubig doon ay pinaniniwalaang nakapagpapagaling ng sakit at nakaaakit ng maraming turista. May itinayo rin doon mga bakasyunan na nagdudulot ng komprehensibong serbisyo sa mga turista.
Ang Mangkam County na may masaganang likas na kayamaan at mahabang tradisyong kultural ay ipinalalagay na isa iyong di pa nabubuksang kaban ng kayamanan sa timog silangan ng Tibet. May marami pa roong kayamanang matutuklasan at mapauunlad.
|