Ang lunsod Baotou ay isang mahalagang lunsod na industriyal sa rehiyong autonomo ng Inner Mongolia, at ang pillar industry nito ay metalurhiya, rare earth at industriya ng pagyari ng mga kasangkapang mekanikal. Isinalaysay ni Wang Huiming, puno ng lupong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Baotou na:
"Sa pamamagitan ng pagbabago ng tradisyonal na industriya ay nagpapataas ng output at nang sa gayo'y pataasin ang lebel ng mga produkto. Ito ay nagsisilbing pundasyon para suportahan ang mabilis na pag-unlad ng Baotou."
Ang mabilis na pag-unlad ng Ordos ay utang sa bagong ideya nito ukol sa pagpapaunlad ng industriya ng mataas na starting point, high-tek , mataas na benibisyo at mataas na added value.
Mahigpit na magkakaugnay ang Hohhot, Baotou at Ordos parang isang buong antidad.
Sa kasalukuyan, inisyal na gumagana ang papel-pampasigla ng "Hohhot, Baotou at Ordos economic circle" sa pag-unlad ng kabuhayan sa kabuuang Inner Mongolia. Sinabi ni Han Zhiran, kalihim ng panlunsod na lupon ng Partido Komunista ng Tsina sa Hohhot, na:
"Isa, ang pag-unlad ng kabuhayan ng naturang tatlong lunsod ay nagpapasulong ng mga lunsod at bayan sa paligid nito; ikalawa, napakalaking papel na ginagampanan ng mga talento ng tatlong lunsod sa pag-unlad ng kabuhayan sa mga lugar sa paligd nito; ikatatlo, ang pag-unlad ng naturang tatlong lunsod ay nagpatingkad ng mahalagang papel sa paglilipat ng mga lakas-manggagawa sa mga lugar na sa paligid nito."
Sa ilalim ng pagpapasigla ng "Hohhot, Baotou at Ordos economic circle", ang kabilisan ng paglaki ng kabuhayan ng rehiyong autonomo ng Inner Mongolia ay nasa unang puwesto sa Tsina sa nakaraang tuluy-tuloy na 5 taon.
Ang kaluwalhati ng Golden Triangle ng Hohhot, Baotou at Ordos ay hindi lamang isang minyatura ng napakabilis na umuunlad na kabuhayan ng rehiyong autonomo ng Inner Mongolia noong nagkaraang 60 taon, kundi nagsisilbi itong pinakamalakas na puwersang tagapagpasulong ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Inner Mongolia sa hinaharap!
|