Ika-8 ng kasalukuyang Agosto ay isang taong countdown para sa Beijing Olympic Games. Tuwang-tuwa kami na inimbitahan ang dalawang opisyal mula sa Philippine Olympic Committee na magkasamang magsaksi ng itong maringal na petsa.
Sina Julian Camacho at Gina Calaguas ay kinatawang Filipino na pumarito sa Beijing para lumahok sa taunang pulong ng mga Olympic Committes ng iba't ibang bansa na naka-iskedyul na idaos mula sa ika-7 at hanggang ika-8 ng Agosto ng kasalukuyang taon. Kaugnay ng darating na Beijing Olympic Games, sinabi nila sa amin na ang inaasahang target ng delegasyong Filipino ay makakuha ng isang ginto, gayon ang sinabi nina Julian at Gina na,
Ang bawat bansa na kalahok sa Olympic Games ay may kani-kanilang National Olympic Committee. Ang tungkulin ng mga komiteng ito ay pumili ng mga manlalarong kumakatawan ng bansa at maghanda ng mga training center para sa mga atleta. At Sina Julian at Gina ay treasurer at executive assistant ng Philippine Olympic Committee ayon sa pagkakasunod, at kanilang inilahad sa amin ang hinggil sa paghahanda ng delegasyong Filipino para sa Beijing Olympic Games, sinabi nilang,
Noong taong 2001, nang mag-aplay para sa pagtangkilik ng Olympic Games, iniharap nito ang temang "one world, one dream" at islogang "Environment-friendly, Culture-enriched and Technology-empowered Olympics". Ipinaliwanag nina Julian at Gina ang kanilang pagkaunawa hinggil dito,
Nang malapit nang matapos ang panayam, biglang nagtanong sa amin sina Julian at Gina na "puwede po bang pakisabi sa amin, ano ang kahulugan ng iyong limang mascot, limang bilog o iba pa?" tingnan muna natin ang kanilang pagkaunawa sa mga Fuwa.
Ang limang mascot ay nagngangalang "Beibei, Jingjing, Huanhuan, Yingying at Nini", kung pagsasamahin ang pangalan nila sa isang pangungusap, ang kahulugan nito sa wikang Tsino ay "welcome sa Beijing".
Umaasa tayong magiging tagumpay ang Beijing Olympic Games at matutupad ng delegasyong Filipino ang kanilang pangarap na matatamo ang isang medalyang ginto.
|